‘Ang Probinsyano’ ni Coco tatagal pa ng 5 taon? | Bandera

‘Ang Probinsyano’ ni Coco tatagal pa ng 5 taon?

Ervin Santiago - September 23, 2016 - 12:05 AM

COCO MARTIN

COCO MARTIN

PINURI kamakailan ng kongreso ang ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano para sa pagpapalaganap nito ng crime awareness at prevention gabi-gabi sa mga manonood at inendorso ang bida ng serye na si Coco Martin upang maging “Celebrity Advocate for a Drug-Free Philippines”.

Sa inihaing House Resolution No. 358 ni Rep. Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs noong September 14, pinuri nito ang producers, cast, at crew ng FPJ’s Ang Probinsyano sa matapang na pagtalakay nito ng mga mahalaga at kontrobersiyal na mga isyu gaya ng kurapsyon, medical malpractice, narco politics, ninja cops, sex trade, paggawa ng iligal na droga, drug couriers at pagbebenta ng party drugs.

“Isinisiwalat ng Ang Probinsyano ang samahan ng mga sindikato ng droga na kinasasangkutan ng mga iskalawag na pulis habang ipinakikita rin ang hirap at dedikasyon ng mga huwarang miyembro ng kapulisan,” sabi ni Barbers sa House resolution.

Ayon kay Rep. Barbers, tinatalakay din ng palabas ang mga isyu gaya ng pagnanakaw, homicide, illegal recruitment, extortion, kidnapping, carnapping, cybercrime, guns for hire, riding in tandem, fraud, child abuse, human trafficking, terrorism, at drug trafficking.

Kanya rin namang pinuri ang pagbibigay kaalaman ng palabas sa modus operandi ng mga sindikato sa pag-recruit ng mga tauhan o pagbihag ng mga susunod na biktima gamit ang infomercial segment ng serye kung saan inilalahad ni Coco ang mga krimen, multa, at mga paraan upang makaiwas sa mga ito.

“Ipinakikita rin ng palabas ang kahalagahan ng pamilya at komunidad, partikular na ang opsiyales ng barangay sa pagpapatupad ng batas at pagpaparusa sa mga kriminal,” dagdag pa niya.

Bukod pa riyan, pinuri din ang galing ni Coco sa pag-arte sa epektibo niyang pagsasadula ng iba’t-ibang karakter gaya na lang ni SPO2 Ricardo Dalisay, ang kambal nitong si Ador de Leon, at ang babaeng undercover agent na si Paloma.

Isang taon nang nasa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano pero patuloy pa rin itong tinatangkilik at nakakatanggap ng papuri mula sa mga manonood dahil sa mga aral nito tungkol sa pamilya at sa pagpapakita nito ng pagpapahalaga sa bansa. Umiikot ang kuwento nito sa buhay ni Cardo na isang miyembro ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group.

Ang palabas din ang numero unong teleserye sa bansa, base sa datos ng Kantar Media na kumakatawan sa rural at urban homes. Kinilala na rin ang Kapamilya serye ng iba’t ibang award-giving body kabilang ang Gawad Tanglaw, Anak TV Awards, at Paragala Awards para sa tagumpay at impluwensya nito sa mga manonood.

Maraming manonood ang nagre-request sa ABS-CBN na patagalin pa ng isa o dalawang taon ang serye ni Coco. May mga nagsasabi naman na isabay na ito sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil malaking tulong nga ito sa kampanya ng gobyerno kontra krimen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending