Ikatlong panalo target ng NU, Adamson | Bandera

Ikatlong panalo target ng NU, Adamson

Angelito Oredo - September 21, 2016 - 03:11 PM

adamson

Photo from sports.inquirer.net

MGA Laro Ngayon

(SM MOA Arena)
2 p.m. UE vs UP
4 p.m. Adamson vs NU

Team Standings: De La Salle (4-0); National University (2-1); Adamson (2-1); Ateneo (2-2); Santo Tomas (2-2); Far Eastern (2-2); UE (0-3); UP s (0-3)

PUNTIRYA ng National Unversity Bulldogs at Adamson University Soaring na manatili sa ikatlong puwesto at masungkit ang ikatlong panalo sa apat na laro sa tampok na salpukan ngayong hapon sa UAAP Season LXXIX men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Magsasagupa naman sa unang laro ganap na alas-2 ng hapon ang kapwa wala pang panalong University of the East Red Warriors at University of the Philippines Fighting Maroons bago sundan ng inaasahang mainit na salpukan ng Bulldogs at Falcons sa ganap na alas-4 ng hapon.

Sa huli nilang laro ay nabigo ang Red Warriors kontra defending champion Far Eastern University Tamaraws, 67-59, Huling nabigo ang Red Warriors kontra defending champion habang nakalasap naman ang Fighting Maroons ng 77-83 kabiguan kontra season host University of Santo Tomas Growling Tigers.

Nabigo naman ang Red Warriors kontra defending champion Far Eastern University Tamaraws, 67-59, habang nakalasap ang Bulldogs ng 66-75 kabiguan laban sa nangungunang De La Salle Green Archers.
Galing naman ang Falcons sa 62-61 panalo kontra Ateneo Blue Eagles.

Ayon kay NU head coach Eric Altamirano, paghahandaan nila ng maiigi ang laro kontra Falcons na naglalaro na may matinding kumpiyansa sa season na ito.

“We have to focus now on Adamson, sabi ni Altamirano. “Adamson is coming off a big win against Ateneo so we really have to move on from the loss to La Salle.”

Matatandaang umahon ang Falcons sa 10-puntos na paghahabol upang talunin ang Blue Eagles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending