Kris negang-nega dahil lang sa 'selfie' | Bandera

Kris negang-nega dahil lang sa ‘selfie’

Cristy Fermin - September 21, 2016 - 12:20 AM

kris aquino1

HINDI niya naman sinadya pero naging nega ang dating ni Kris Aquino nang may mga Pinoy na nakakita sa kanya sa Hong Kong habang nagsi-shopping.

Hindi na puwedeng itago sa kahon ang itsura ni Kris, kahit pa wala siyang make-up at marami siyang kahawig sa Hong Kong ay makikilala pa rin siya, kaya nagkasundo ang isang grupo ng mga kababayan natin na magpa-picture taking sa kanya.

Kaso, napakatagal daw naman ni Kris sa shop, hindi nila alam kung pinapakyaw niyang lahat ang mga produkto du’n, napanghal na tuloy sa kahihintay ang ating mga kababayan, nag-alisan na ang mga ito.

Ang katwiran ni Kris ay mabusisi raw kasing masyado ang mga empleyado ng shop, bayad naman ang lahat ng nakalagay sa kanyang shopping bag, pero kung bakit binubusisi pa rin kahit hawak niya naman ang resibo.

Maaaring oras ang itinagal ng paghihintay ng ating mga kababayan para lang magkaroon sila ng retratong katabi ni Kris. Kung ilang minuto lang ‘yun ay kayang maghintay ng mga OFW.

Napakahirap nga namang maghintay, lalo na’t limitado lang ang kanilang oras, kailangan na uli nilang bumalik sa kanilang trabaho.

Sayang nga naman ang pagkakataon, hindi naman araw-araw na nasa Hong Kong si Kris, nakalusot sa kanila ang oportunidad na makatabi sa retrato ang hinahangaan nilang aktres-TV host.

Sayang na sayang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending