MAHIGIT 10 celebrities na ang sumailalim sa voluntary drug testing bilang suporta sa tumitindi pang kampanya ng Duterte administration laban sa ilegal na droga.
Lahat ng mga artistang nagpa-drug test ay negatibo sa paggamit ng kahit anong uri ng illegal drugs.
Wala ni isa sa kanila ang nag-positive kaya naman duda ang madlang pipol kung reliable ba ang resulta ng kanilang test.
Ilan sa mga nakakuha ng “PASSED” result sa kanilang drug test ay sina Luis Manzano, Baron Geisler, Anne Curtis, Jake Cuenca, Solenn Heussaff, Enrique Gil, James Reid, Diego Loyzaga, Claudine Barretto at iba pa.
Marami rin ang nagsabi na handa silang magpa-drug test anytime para patunayan na hindi sila adik pero ang iba’y hanggang salita lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila isina-submit ang kanilang mga sarili sa kinauukulan.
Ngunit tulad nga ng mga naiulat na, duda ang marami sa naging resulta ng test ng ilang celebrities, urine sample lang daw kasi ang ginamit ng mga ito. Ayon sa ulat, hindi 100% reliable ang ihi pagdating sa drug test dahil madali raw matanggal ang drug residue sa urine.
Kaya hinamon ang mga artista na ulitin ang test at mag-submit ng blood sample o buhok para mas maging kapani-paniwala ang resulta.
Samantala, mas lalong umiinit ngayon ang usapin tungkol sa sinasabing listahan ng mga celebrities na sangkot sa ilegal na droga, na diumano’y hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hanggang ngayon ay pinagdedebatihan pa kung dapat bang isapubliko na ang nasabing listahan o magkaroon muna ng dialogue sa pagitan ng mga otoridad at ng mga artistang pinaghihinalaang user at pusher.
Hati ang pananaw ng mga taga-showbiz tungkol dito, may pabor at meron ding kontra. Pero mas marami pa rin ang nagsasabi na okay lang pangalanan ang mga nasa listahan sa isang kundisyon: dapat daw ay dumaan ito sa masusing imbestigasyon at may maipakitang sapat na ebidensya ang PNP/PDEA.
Kamakailan ay kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na meron nga silang listahan ng showbiz personalities na pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde nangongolekta na sila ng mga ebidensiya para malaman kung totoong sangkot nga ang mga ito sa droga. Ang nasabing drug list ay galing sa mga naarestong suspek sa sunud-sunod na anti-drug operations sa bansa.
Dagdag ng NCRPO, kapag sapat na ang ebidensiya nila, na kay President Duterte at PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa kung ibabandera ito sa publiko.
At para bigyan kayo ng idea kung sinu-sino sa mga local celebrities ang posibleng nasa drug list ng otoridad mula sa ilang sources, idadaan muna natin sa blind item ang kanilang mga pagkakakilanlan dahil posible ring burado na sila sa listahan kung totoong tuluyan na nilang tinalikuran ang droga.
Award-winning veteran actress: Matagal nang napapabalita na sangkot siya sa ilegal na droga. Ilang beses nang napaulat na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot lalo na kapag inaatake siya ng depresyon dahil sa kawalan ng trabaho.
Character actor-comedian: Balitang nasa ibang bansa na ito ngayon dahil natakot mapag-initan ng otoridad. Nu’ng una ay user lang diumano ang komedyante ngunit hindi nagtagal ay naging tulak na rin umano ito para ma-sustain ang kanyang magastos na lifestyle.
Actor-producer: Wala sa itsura niya ang gumagamit ng droga pero may mga nakakatrabaho ang male star na ito na nagsasabing may mga pagkakataon na tila siya ay bangag na bangag dahil bigla na lang itong gagawa ng mga bagay na hindi niya karaniwang ginagawa, tulad ng pagkukuwento ng mga senaryong produkto lang ng malikot niyang imahinasyon.
Controversial actress: Mahilig siya sa party-party at bukod sa pag-inom ay pinaghihinalaang tumitira rin ng party drug ang female celebrity na ito. Ito raw ang dahilan kung bakit nagiging wild ang aktres kapag puma-party kasama ang kanyang mga sosyal na barkada na pinagdududahan din na gumagamit ng ilegal na droga.
TV host-actor: Nagsimula umanong gumamit ang personalidad na ito noong kabataan niya dala na rin ng barkada. Pero ayon sa isang source, posibleng totoo ang balita na tumigil na siya sa pagbibisyo dahil sa banta ng kanyang manager na hindi na niya ito bibigyan ng trabaho at tuluyan nang tatanggalin sa kanyang talent management.
Male performer: Ilang beses na siyang binigyan ng chance na makapagbago pero balik pa rin siya nang balik sa kanyang bisyo. Wala na ring producer o show promoter ang kumukuha sa kanya dahil nga kalat na sa industriya ang kanyang ginagawa.
Young singer-actor: Madalas siyang uma-attend sa mga exclusive party ng mga kilalang personalidad sa showbiz at pinaniniwalaang gumagamit ng ecstasy. Lagi rin siyang laman ng blind item noong nagsisimula na siyang sumikat na diumano’y nagiging wild kapag naka-take na ng party drug.
Gwapong young actor: Malapit siya sa mga kontrobersiya at iskandalo. Ang balita, mahilig din siyang tumambay sa mga party noon kung saan niya natikman diumano ang mga party drugs. Pero ang latest, simula nang dumating sa kanyang buhay ang isang taong nagpapaligaya ngayon sa kanya, iniwan na nito ang bisyo.
Samantala, kahanga-hanga naman ang mga artistang umaamin na sila’y nakatikim na ng droga, ang ilan sa kanila ay naadik ngunit meron namang sa simula pa lang ay umayaw na.
Narito ang ilan sa kanila:
Epy Quizon: I did that before, I had my share of drugs. Matagal na, ano pa ako, freshly graduate. But I do not have an addictive personality, e. So, ibaon na natin yun sa limot.
Sid Lucero: I think there’s no secret naman, e. They know all my baho. I know what I’ve been through, I know what I’ve done, I’m not gonna lie about it, and I know that I don’t do it anymore.
Jay-R Siaboc: Ang masasabi ko lang sa kabataan, huwag na huwag n’yong subukang gumamit (ng droga). Pagka may nag-alok sa inyo, mga barkada niyo, huwag niyo na po talaga umpisahan kasi totoo pong mahirap tumigil.
JM de Guzman: Pinasok po ako sa rehab dahil unmanageable na ako. Gumamit ako ng droga. Sinubukan ko ang di dapat subukan. I lost control.
Jiro Manio: Kasalukuyan pa ring ginagamot sa rehab ang dating child star sa tulong na rin ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na ngakong hindi pababayaan si Jiro hangga’t hindi ito nakaka-recover. — Bandera Team
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.