Joseph kay Alex: Mahirap siyang ligawan kaya nakaka-challenge! | Bandera

Joseph kay Alex: Mahirap siyang ligawan kaya nakaka-challenge!

Ambet Nabus |September 17,2016
facebook
share this

Joseph kay Alex: Mahirap siyang ligawan kaya nakaka-challenge!

Ambet Nabus - September 17, 2016 - 12:15 AM

alex gonzaga at joseph marco

“KINAKAPA ko pa, I don’t want to jump into conclusions nang dahil lang sa pagiging extra sweet niya sa akin.” Ito ang sagot ng hunk actor na si Joseph Marco sa diumano’y “hidden relationship” nila ni Alex Gonzaga.

Magkasama ang dalawa sa latest offering ng Regal Films na “My Rebound Girl” at sa nakaraang presscon nga ng movie ay napag-usapan kung ano na ba ang estado ng relasyon nila.

Ayon kay Joseph, ayaw man daw niyang makisakay sa promo ng movie nila ni Alex, alam niyang hindi ito maiiwasan dahil bahagi na ito ng sistema sa showbiz. Ang siste pala kasi kapatid na Ervin at mga ka-BANDERA, kahit noong matapos na ang serye nila sa ABS-CBN na Pure Love ay never nawala ang kanilang friendship, o ang “panunuyo” ni Joseph kay Alex.

Ganu’n nga raw katagal na ligawan ang isang babaeng tulad ni Alex na inilarawan niyang sobrang ingat talaga sa pagdedesisyon pagdating sa lovelife.

“That gives me more challenge to pursue her. Malalim na ang pagkakakilala namin sa isa’t isa. Talaga lang hindi pa siguro right timing, but I hope it gets there,” hirit pa ng hunk actor.

Marami raw silang discoveries sa isa’t isa while doing their fun movie, “We become more comfortable at mararamdaman ninyo yun sa pelikula,” sey ng binata sabay sabing bonggang-bongga raw ang mga “intimate scenes” nila ni Alex sa “My Rebound Girl.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending