PH men’s chess team pinataob ng Italy | Bandera

PH men’s chess team pinataob ng Italy

Melvin Sarangay - September 10, 2016 - 09:45 PM

NAKATIKIM ng masakit na pagkatalo ang Philippine chess team matapos yumuko ang men’s team sa Italy, 1.5-2.5, at ang women’s squad na nakalasap ng 1-3 kabiguan sa eighth seed Hungary matapos ang ikapitong round ng 42nd World Chess Olympiad saBaku, Azerbaijan Biyernes ng gabi.

Angat sa 1.5-0 matapos maitabla ni Grandmaster Julio Catalino Sadorra ang laro kontra GM Daniele Vocaturo sa top board at magwagi si GM Eugene Torre kay  GM Axel Rombaldoni sa board three, nabigo ang mga Pinoy chessers na makumpleto ang panalo matapos matalo sina GM John Paul Gomez at Rogelio Barcenilla, Jr. kina GMs Danyyil Dvirnyy at Sabino Brunello sa boards two at four, ayon sa pagkakasunod.

Lamang sana si WIM Janelle Mae Frayna sa laro kontra GM Hoang Thanh Trang pero ang isang pagkakamali niya sa laro ang naghatid sa kanya sa unang pagkatalo sa torneo.

Ang pagkatalo ay nagkait naman sa mga Pinay sa 2-2 draw matapos na gulatin ni Jan Jodilyn Fronda si IM Szidonia Lazarne Vajda sa board two.

Natalo si Christy Lamiel Bernales kay WGM Ticia Gara sa board three habang si Catherine Secopito ay tumiklop kay IM Anita Gara sa board four.

Nahulog naman sa women’s squad sa top 10 at lumapag sa top 20 kasama ng grupo na may siyam na puntos.

Posible naman silang makabalik sa top 10 kung mananaig kontra Belgium sa ikawalong round.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending