Nangangarap magka-house and lot
Sulat mula kay Abigail ng San Nicolas, Toril, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Seaman po ang mister ko at limang taon na siyang nagpapabalik balik sa barko, pero hanggang ngayon nangungupahan pa rin kami at walang sariling lupa at bahay. Hindi po kasi kami makaipon dahil lima po ang anak namin na lahat nag aaral. Gusto kong makahingi ng tips sa inyo, suwerteng numero at kung paano namin mapapaunlad ang aming kabuhayan, upang magkaroon kami ng sariling lupa at bahay? Matutupad kaya ang pangarap naming ito at kalian? March 23, 1977 ang birthday ng mister ko at August 28, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Abigail ng Toril,
Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung dalawa kayo ni mister na mag aabroad, walang imposible – sa lalong madaling panahon matutupad nyo ang pangarap nyong magkaroon ng sariling lupa at bahay.
Cartomancy:
Five of Hearts, Nine of Hearts at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung magsisimula ka ng mag-aplay sa abroad sa ngayong buwang ito ng Setyembre, sa taon ding ito ng 2016 hanggang 2019 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.