Regine: Type na type ni Nate si Solenn, manang-mana sa tatay! | Bandera

Regine: Type na type ni Nate si Solenn, manang-mana sa tatay!

Jun Nardo - September 10, 2016 - 12:15 AM

regine velasquez at nate

NASAKSIHAN ng entertainment press ang kakulitan ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nate nang i-launch sila ng PLDT Home last Wednesday bilang endorsers ng The Smart Watch.

Namigay pa nga si Nate ng sample ng Smart Watch at ikinatutuwa ito ni Songbird.

“I’m super proud of my baby boy! PLDT Home is close to our hearts and as a family, we are proof that technology can really help make our hearts and lives safer and easier,” pahayag ni Regine.

Komo nga ipinanganak na uso na ang bagong teknolohiya, nakakagamit naman ng iPad at iba pang gadgets si Nate. Regulated nga lang ‘yon dahil pumapasok ang bata sa eskuwela.

“Pag walang school, puwede siya gumamit ng iPad ko. Alam niya na sa akin ‘yon. Pero pag napagod na, naglalaro rin siya. Mas gusto nga lang niyang kami ang kasama ng daddy niya,” saad ni Songbird.

Siyempre, dahil nga may mga endorsements na ang anak, natanong si Regs kung papayagan niyang pasukin ni Nate ang showbiz.

“Ewan ko sa kanya. Pero right now, ang mga hilig niya, airplanes. He sings at ‘yon ang ginagawa niya everyday. Sinusundan ko lang ‘yung voice niya.

“Pero alam ninyo kung kanino siya hangang-hanga? Si Mang Tani (weather forecaster ng GMA News).

Kilala niya si Mang Tani kasi he loves weather, eh. Sobra siyang interested doon. Si Nathaniel (tunay na name ni Nate) daw ‘yon. Sobrang favorite niya,” kuwento ng Songbird.

Ayon pa kay Regine, hindi pa rin daw nagbabago ang crushes ng anak sa showbiz. Sina Marian Rivera at Maine Mendoza pa rin.

“Pero si Solenn (Heussaff), type na type niya. Mana siya sa tatay niya eh! Ha! Ha! Ha!” dagdag niya.
Sa bagong endorsement nila ni Nate, aprubado sa kanya ang Smart Watch lalo na’t bibiyahe siya papuntang Japan sa susunod na araw, “I think this will be so useful to me. Kasi pag nanay ka, ang gusto mo lang naman…di ba pag bitbit mong namamasyal, they suddenly just to run off! Nakakatakot lalo na kung iba lugar?

“So sobrang solved na solved ako rito. Hindi mawawala kasi alam mong nandiyan lang ang anak mo, magba-vibrate na and he needs to come na. Puwede ko pa siyang tawagan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Isa pa sa gusto ko actually is the Fam Cam. Puwedeng tumerno rito kasi nasa TelPad lahat ‘yan eh. Heto ‘yung pinaka-mother. Ang mother ship tapos meron tayong Fam Cam and if you’re a mom like me, siyempre you go to work, buong araw, hindi ko nakakamusta, through Fam Cam, I can see him. I can even actually talk to him kasi may feature na two-way conversation,” katwiran ni Regine.

Ayon naman kay Gary Dujali, ang PLDT VP and Home Marketing Director, “Nate represents the kids of his generation – perennially curious, smart and dynamic. Together with his mom, we look forward to reaching more families and educating them about the ways technology can help bring them closer.”
Bisitahin lang ang pldthome.com/telpad.smartwatch para sa karagdagang impormasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending