Decision 2013: Steve Salonga Independent Candidate for Governor of Rizal
Salonga: Ang bayan ang lalaban kay Ynares
Ni Frederick Nasiad
INIS at pagbabago.
Diyan naka-tuon ang kampanya ng independent candidate Steve Salonga na tumatakbo bilang gobernador ng Rizal at humahamon sa dynasty na naitatag ng mga Ynares sa lalawigan.
Baguhan mang maituturing kumpara sa dynasty na kanyang hinaharap ay hindi nangangahulugan na walang alam sa kalakaran sa gobyerno at sa pagpapatakbo ng probinsiya ang anak ni dating Senador Jovito Salonga.
Lakasan ng loob, ayon kay Salonga nang makapanayam ng Inquirer Bandera kamakailan, ang ginagawa niyang paghamon sa mga Ynares na mahigit dalawang dekada nang nakaupo.
Tatapatan ni Salonga sa pagka-gobernador si Nini Ynares, misis ng incumbent Junjun Ynares.Pader mang maituturing ang babanggain ni Salonga ay hindi ito nababahala dahil kasama aniya niya ang taumbayan ng Rizal.
“Hindi po namin laban ni Ynares ito. Ito po ay laban ng taong bayan kontra sa Ynares,” sabi ni Salonga sa BANDERA.
“Kaya po ako tumata-yong kandidato para merong pagpipilian ang taumbayan sapagkat kung ako ay hindi tumakbo, tatlong taon na namang magdurusa ang mga taga-Rizal at maghihintay.
Eh walang kalaban eh.”
Matagal na sanang sasabak sa politika si Salonga ngunit tumanggi ito noon dahil nanunungkulan pa sa gobyerno ang ama niyang si Jovito na isa sa mga kontra sa political dynasty.
“Ilang taon na rin namang wala sa gobyerno ang aking ama kaya noong 2010, I decided to run for vice governor under Ping Cuerpo,” kuwento ni Salonga na miyembro ng Liberal Party.
“Hindi kami nanalo noon pero naniniwala kami na napukaw namin ang taumbayan at ito ang dahilan kung bakit ako tumatakbo ngayon bilang governor… para ituloy ang pagbabago… para mabigyan ng tunay na pag-uunlad ang pangkaraniwang tao sa lalawigan Rizal.”
‘Tuwid na daan vs baluktot na gob’
Ayon kay Salonga, matuwid na ang daan mula sa itaas, “kaso hindi nakakarating dito ang diretsong daan dahil baluktot pa po ‘yung governor.”
Ilan sa mga inihalimbawa ni Salonga ay ang mga biyaya na galing sa national government na hindi maayos na naipaparating sa mga barangay.
“Isa na po diyan sa ‘yung sa barangay health care, isa na po dyan yung IRA ng mga senior citizen, ‘yang IRA ng SK diyan sa barangay funds, lahat po ‘yan, sa batas po nagawa na po ‘yan ng 2011,” aniya.
“Sa ibang lalawigan napapakinabangan na po ang pondong ‘yan. Sa loob po ng tatlong taon hindi pa po nararamdaman ‘yan dito,” dagdag pa ni Salonga.
Ano po ang diperensya? tuwid nga po ‘yung daan sa taas, pero pagdating dito barado.
Kaya ‘yung pondong barangay ibaba man sa barangay hindi dumadaloy, ‘yun po ang katotohanan, ‘yang matuwid na daan, kapag ‘yan may lubak o ‘yan ay may bara, hindi po talaga makakarating.”
Transparency, accountability
Kung sakali anyang mahalal, ang unang bahagi ng kanyang programa ay transparency and public accountability.
“Ibig sabihin matuto tayo na mai-report lahat ng kinikita ng gobyerno, at siguraduhin lahat ng kita ay pumapasok.
At ipapakita natin lahat ang ginagastos ng gobyerno.
Ginagawa na sa Antipolo ‘yan eh, real time na halos at nasa website,” sabi ni Salonga.
Giit pa nito, sa loob ng 20 taon sa ilalim ng panunungkulan ng mga Ynares, hindi anya naireport sa publiko ang tunay na kalagayang pananalapi ng lalawigan.
Politika ng biyaya
Kuwento ni Salonga na noon ay hindi naman ganito ang pulitika sa Rizal.
Matatalino aniya ang mga botante ng Rizal ngunit nadungisan ng kurapsyon at ng tinatawag niyang “Pulitika ng Biyaya.”
“Walang namang totoong programa para sa pangkaraniwang tao.
Pulitikang biyaya. Puro biyaya ang pinadadala e,” aniya.
“Hindi biyaya ang kailangan ng taumbayan. Trabaho at pagkakahanapbuhayan ang kailangan,” aniya pa.
Pro agri
Isa sa magiging programa ni Salonga sakaling manalo siya sa darating na eleksyon ay ang pangalagaan at protektahan ang karapatan ng mga magsasaka at mangingisda sa Rizal.
“The farming families in Rizal are quickly declining. In 2011, we only have 70,000 farming families.
Considering Rizal has always been an agricultural province.
Bakit po nagkaganoon? E paano, ‘yung mga anak ng magsasaka hindi na nagiging magsasaka e.
Paano ba naman itinuturo sa paaralan ‘planting rice is never fun’ e di siyempre hindi na magsasaka ‘yan,” aniya.
Iba pang programa
Ang concept aniya niya ng development ay hindi “top-down” kundi “bubble-up.”
“Ito ‘yung pupuhunan mo ‘yung nasa babasa pamamagitan ng programa de gobyerno, sa pamamagitan ng ordinansa, sa pamamagitan ng legislation that will make the assistance institutional rather than patronage.
Ang mga programang ito dapat protected by law.
Kahit na sino ang nakaupong Governor o Mayor dapat tuloy ang programa.”
Balak din niyang gawing operational ang Laiban dam na pakikinabangan di lang ng mga taga-Rizal kundi ng buong Metro Manila.
Poor man’s campaign
Inaamin naman ni Salonga na wala siyang personal na kayamanan at malaking pondo para matustusan ang kanyang pagtakbo bilang gobernador ng Rizal.
Lumalakas naman aniya ang kanyang loob na lumaban dahil suportado siya kanyang mga kababayan sa Rizal.
“Kapag tinatanong ako ng mga tao kung may biyaya ba diyan, ang sagot ko po ay ‘Opo, makakaasa kayo ng biyaya sa akin.’
Umasa kayo, pero ang biyayang ipadadala ko sa inyo ay sa pamamagitan ng programa de gobyerno hindi sa pamamagitan ng pulitikang biyaya,” paliwanag niya.
“Sapagkat ‘yang pulitikang biyaya ay papatayin na natin sa lalawigan ng Rizal.
Yan ang sinasabi ko. Sa palagay ko naman mulat na ang tao sa Rizal.”
“Ako, I am avery unusual candidate because I know all the problem.
I happen to know the truth and I can tell you the truth but nobody wants to know the truth.
I don’t talk like this to the electorate.
They have to trust me on this.
And then when I get elected, they have to back me up because I am going to do this.” sabi niya.
Mga opinyon ng anak ni Jovito Salonga
NARITO rin ang samu’t saring opinyon ni Steve Salonga, anak ng isa sa pinakamagaling na senador ng bansa na si Jovito Salonga.
DIVORCE
“I’m a protestant. By nature I believe in divorce.
I believe that two people under their best lights make commitments to each other but I cannot condone wife-abuse and I cannot condone serial infidelity.
Divorce is a way for a person to be able to have a new life after a failed marriage. So I’m a realist.
I believe there are failed marriages and that people who are in failed marriages should be able to have a chance to do it again.
As far as I’m concerned, divorce is fine.
We should have divorce so we can liberate so many women who are, right now, suffering in marriages where their husband is unfaithful.
I’m doing it for the women, not for the men.
RH LAW
Oh, certaintly, yes. There’s nothing I can see objection of the RH Law.
I think we should have been controlled as early as 1992.
This country is being held back by the CBCP as far as RH bill is concerned.
GAY MARRIAGES
I teach bible, I’m a biblical theologian.
I still haven’t found a good argument against gay marriages.
I think two people who are really committed to each other should be allowed to civilly contract with each other.
I want to remind you: marriage is a civil contract; it’s not a religious contract.
Even if you get married in church, without the marriage license from the civil authorities, you’re not married.
You go to the judge, you get married without a pastor, you’re still married.
Now, anyone who enters a civil contract should be able to contract to whoever he wants.
So I’m saying, religion has nothing to do with marriage.
CHARTER CHANGE
If the purpose of charter change is to allow foreigners to own more property in the Philippines like land or to own more portion of local business, I am probably for it but I think it should be allowed with some restrictions.
In principle, I am not against charter change. But I am against a constitutional commission of the House.
Why? Because the House is dominated by the elite.
If the elite will do the charter change, I am against it.
Gusto ko constitutional convention where the people will actually elect their delegates.
MINING
I’m against all mining mainly because it is extractive.
It is a kind of industry that doesn’t produce anything.
And it is destructive because you cannot extract anything without destroying the land.
I would agree to mining if we are a continental country with a very large land mass.
But we’re not. We’re a country of very small islands.
Any extractive industry in any one island destroys the whole island.
No amount of compensation will pay for 25-50 years of destruction that cannot be recovered. I am against to all mining.
LOGGING
Well, I don’t even have to make an opinion on that because in Rizal, there are no more logs.
The little primary forests that we still have left is in a small area in Tanay that borders Quezon.
K to 12
I’m against it. Mainly because we don’t need it.
What we need is more teachers and more classrooms, not K to 12. Using the same teachers, using the same classrooms and then increasing the number of classes is actually torture.
Hirap na hirap na nga sa 10 years na ganun ang kundisyon, dadagdagan mo pa?
What we need is better teachers, better books, more classrooms, not K to 12.
I never had a SALN because I never sat in public office but my income tax return will show that I earn a little less than P2 million.
I will probably end up to be the poorest candidate because I have liabilities of a little over P2 million.
Quick Facts
Steve Salonga, 62, ay isa sa limang anak ni da-ting Senate President Jovito Salonga, kilalang bumatikos sa Martial Law.
Law practitioner; nagtapos ng abogasya sa University of the Philippines
Bagamat ang partidong kinabibilangan ay Liberal, tumatakbo siya ngayon bilang independent, matapos hindi makakuha ng basbas mula sa liderato ng LP na pinangungunahan ni Pangulong Aquino.
Income: “My income tax return will show that I earn a little less than P2 million. I will probably end up to be the poorest candidate because I have liabilities of a little over P2 million.”
Ang lalawigan ng Rizal ay nasa Region 4 o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)
Meron itong 13 munisipalidad at isang syudad.
Antipolo- Capital ng Rizal
Population as of 2010: 2,484,840
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.