Epal na basher supalpal kay K Brosas: Anong kinalaman ng LP na yan sa post ko!?
HINDI umubra sa komedyanang singer na si K Brosas ang mga trolls sa social media matapos niyang sagutin ang mga kanegahang comments ng mga ito.
Talagang sinupalpal ni K ang isang netizen na pilit ikinokonek sa politika ang pagrereklamo niya hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Nag-post ang singer-comedienne sa IG ng kanyang selfie photo kung saan makikita siyang nasa loob ng isang supermarket.
Nakasuot siya ng black face mask at clear face shield habang nakapila sa counter ng nasabing supermarket.
Aniya sa caption, “Ang mahal ng bilihin! Lahat na lang nagmamahalan…ako na lang hindi shutanginamez!
“Because?? chos! Habanaysdey. (grinning face with sweat, woozy face emojis),” hirit pa ni K Brosas na ang nais lamang sabihin ay lahat ng lang ng presyo ng mga bilihin ay “nagmamahalan” pero pagdating sa kanyang lovelife, nganga.
Isang babaeng netizen nga ang nagkomento sa post ng komedyana na nagsabing, “Really? Ano pa kaya kung mga LP pa namuno ngaun cguru mas mahal pa ang mga bilihin. Mas mahal na nga nung sa panahon nila.”
Ang “LP” na binanggit nito ay ang Liberal Party, ito ang ruling party sa nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Si Vice President Leni Robredo ang tumatayong leader ng LP ngayon.
Hindi naman pinalampas ni K ang comment ng netizen. Nagtataka siya kung bakit naikonek pa nito ang LP sa presyo ng mga bilihin.
Sey ni K, “Ha??? Anong kinalaman ng LP na yan sa post ko?! at YES really MAS mahal ang bilihin Ngayon duh! (face with rolling eyes, woozy face emojis).”
Hindi na sumagot ang netizen sa reply ng singer na kinuyog din ng ilan niyang IG followers dahil sa kanegahan nito.
Kasunod nito, muling nagkomento ang komedyana sa kanyang naunang post, “Napansin ko dami bigla trolls.”
“Mga below sea level i.q na pinipilit na maging political ang post kong to.
“Hellooooo?! mahal naman talaga bilihin ngayon shutanginamez again with feelings! kaya blocking spree na lang!” hirit pa niya na ang ibig sabihin ay ang gagawin niyang pamba-block sa mga trolls at haters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.