DECISION 2013: San Juan Representative Joseph Victor Ejercito Estrada
Ni Leifbilly Begas
NAKALIMUTAN na ba ng Liberal Party ang mga tulong na ibinigay ng grupo ni dating Pangulong Joseph Estrada noon kaya oposisyon na ang turing nito sa kanila ngayon?
Kung si San Juan Rep. Joseph Victor Ejercito Estrada ang tatanungin, tila binalewala na nga raw umano ng LP, ang partido ni Pangulong Aquino, ang kanilang mga nagawa para sa nasabing partido noong 2007.
“Ayoko na sanang ungkatin ito pero when they were running in 2007 ako, nag-give way ako, dapat nun tumakbo na ko sa pagka-senador, height nung hatred kay GMA (ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo) nun I would have made it,” ani Estrada nang makapanayam ng Inquirer Bandera.
Sinabi ni Estrada, na ngayon ay tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance, na ‘nagbigay ako para ma-accommodate ang Liberal Party.”
PNoy pasang-awa lang
Anya pa, tinulungan nila si Aquino na noon ay tumatakbo pa lamang sa pagka-senador. “In fact pasang-awa palang siya nun pero tinulungan namin sila. Kumbaga, alam naman nila na kami ay nakatulong din in a way sa kanila nung nakaraan kaya lang ganun talaga eh, parang hindi rin naman nila, hindi nila ito binibigyan ng bigat, parang sa kanila parang balewala lahat ang suporta.”
Ngayon, tanggap na raw ni JV at ng buong grupo ng UNA na makakalaban nila ang partido ng pangulo, ang LP.
Bago ang paghahain ng certificate of candidacy, iminungkahi ni Ejercito ang pagbuo ng koalisyon ng LP at ng UNA na makabubuti umano sa liderato ni Pangulong Aquino.
“Kami naman very supportive kay PNoy kahit naging magkatunggali kami nung nakaraang halalan dahil siya na ang ating Pangulo kaya lang ang nakakalungkot dito I think the Liberal Party being the dominant party they have their own plans, they have their own political agenda which is completely different from the president, na kung inisip nila ang kapakanan ng Pangulo palagay ko they would agree to that rainbow coalition o super coalition kaya lang nandyan na ‘yan.”
Fiscalizer
At kung mananalo, ang kanilang grupo umano ang magiging fiscalizer ng gobyerno—ang pumuna ng mali at pumuri ng tamang ginagawa.
Kumpiyansa naman si JV na matatapatan ng kanilang tatlong alas—Erap, Binay, Senate President Enrile—ang makinarya ng administrasyon dahil “tingin ko yung tatlong alas namin will be more than enough to offset the advantages of being in the Liberal Party coalition.”
Takot pa rin
Bagamat matapos na ang rating sa mga nagdaang survey, hindi pa rin umano siya kampante na maipapanalo ang laban sa darating na halalan kahit pang sabihin na anak siya ng dating pangulo at tanyag na aktor ng Philippine movies.
“Bawat eleksyon ay risk. Ako I always run scared kahit nung third term ko sa pagka-mayor kahit sinasabi na nuisance na yung candidate I always run scared.
Ako naman eh kahit sakali ako’y pumasok sa laban na ‘to, laban ko ‘to hindi dahil anak ako ng tatay ko.
Alam ko naman na malaking factor yung Estrada name but I still feel that yung electorate ngayon especially malaking influx of young voters will still look at performance and track record so malaki naman ang kumpiyansa ko.
Youth, agri, tourism
Kung mananalo man, ipagpapatuloy anya niya sa Senador ang kanyang mga naumpisahang advocacy na may kinalaman sa concern ng mga kabaataan, edukasyon, sector ng agricultural at turismo.
“Ipagpapatuloy ko yung mga advocacy ko na sinimulan sa Congress, yan yung mga youth concerns, more budget for state colleges and universities tapos sa pagiikot ko sa buong bansa nakita ko na dalawang sektor ang may malaking potensyal, yung agricultural at tourism sector and I would want to concentrate and introduce measures to improve yung agri and tourism sa tingin ko ito yung talagang may tyansa na mapaganda yung ekonomiya ng ating bansa,” ani Estrada.
“And lastly yung experience ko naman as local chief executive for nine years at syempre yung economic growth o miracle that San Juan has undergone under my administration, yung aming secret to success, gusto ko namang maibahagi ito doon sa mga mahihirap na bayan yung third to fifth class municipalities kung paano natin mapalago yung kanilang revenues so yun yung mga gusto kong tutukan sakaling ako ay mananalo.”
(Editor: May komento, tanong o opinyon ba kayo sa artikulong ito? Sino pa ang nais ninyong mailathala sa BANDERA DECISION 2013? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.)
Si JV sa isyu ng dynasty, Jinggoy, atbp.
ISA sa mga senatorial candidate ng United Nationalist Alliance si San Juan Rep. JV Ejercito, anak ni dating Pa-ngulong Joseph Estrada sa dating aktres at ngayon ay mayor ng San Juan na si Guia Gomez.
Kinapanayam ng Inquirer Bandera si Ejercito para alamin ang kanyang posisyon sa mga pinakamaiinit na isyu ng bayan ngayon. At narito ang kanyang mga tugon:
Bandera: Isa sa pinakamalaking isyu na ibinabato sa pamilya Estrada ay ang political dynasty. Ngayon ay mainit na isinusulong ang anti-political dynasty, naniniwala ka ba na dapat hadlangan ang political dynasty?
JV Ejercito: Naniniwala naman ako, we have almost 90 million population, at ako ay naniniwala ang kapangyarihan hindi dapat pinanghahawakan ng iilan. We have to give opportunity to more people as much as possible.
But then again, there are good dynasties and there are bad dynasties, sa tingin ko naman as long as hindi mo ginagamit ang dahas, ang coercion, pananakot, para ikaw ay maboto palagay ko naman walang masama kung ihahain mo yung sarili mo, pero kung yan ay ginagamitan mo ng coercion pananakot eh bad dynasty yun, hindi po tayo sang-ayon dun.
Sabi ko nga tatlong ‘K’ ko ina-address yan.
Una yung kinagisnan.
Hindi naman natin masisisi na ang mga anak ng ilang mga pulitiko ay sumunod sa yapak, gayundin naman ang we have a family of lawyers, family of doctors, we have family of pilots kumbaga kung ano yung kinagisnan mo, kadalasan ay susunod ka sa yapak.
Yung pangalawang ‘K’ yung kakayanan.
Ako naman mas pabor ako na titignan yung track record yung performance as public servant rather than tignan yung pangalan.
Yun ang advise to sa ating mga kababayan, kung sakaling gusto nila akong iboto yun dahil tingin nila ako’y makakatulong at magagawa at dahil hindi ako ay may pangalang sikat.
At yung last ‘K’ ay yung kapalaran. Since we are in a democratic society palagay ko ang final judge will still be the people.
Hindi naman siguro dapat maging hadlang din kung ikaw ay naging maayos naman na lingkod publiko o public servant na dahil may pangalan kang Estrada meron kang pa-ngalang sikat sana naman ay hindi imaging hadlang ito upang ihain mo yung sarili mo upang ikaw ay makapagpatuloy sa paglilingkod.
B: Anong posisyon mo sa mining?
JV: Kapag yung lugar ay hindi na pwedeng gamitin for tourism or agricultural then might as well gamitin na lang sa mining kasi it would definitely provide jobs lalong lalo na sa mga mahihirap na probinsya.
Pero dapat lang masiguro na makokontrol yung effect ng environmental catastrophe. Pero we must make sure that those places cannot be used for tourism and agri.
B: …sa logging?
JV: I am against illegal logging.
Pero dun sa mga lugar katulad ng Agusan del Sur na yang Agusan halimbawa eh dyan talaga sila kumikita nare-replenish naman nila so ok lang yun, as long as it is being replenished yung mga trees that are being harvested should be replenished.
B: Medyo mainit na isyu tungkol sa divorce, katunayan may ilan na ang nagpu-push nito sa Kongreso, dapat bang magkaron na ng divorce law sa bansa?
JV: Syempre 80 percent, ang Pilipinas ay we are still predominantly Catholic country, and many are against divorce. We have to weigh it first, syempre mas mabigat pa rin yung doktrina na kinalakihan natin.
B: Kailangan strengthen ang annulment?
JV: Siguro, oo. Ako naman if there are cases din naman na halimbawa magiging miserable na rin yung parehong mag-asawa, we have to give them also the opportunity na makapaghiwalay na lang kesa naman maging miserable sila buong buhay nila.
Siguro yun na lang pag-strengthen nung annulment process at kung saka-sakali wag pahirapan kung sakaling hindi na maganda yung relasyon ng mag-asawa.
B: Same sex marriage?
JV: Against. Unang una sa relihiyon natin ay hindi sinasabi na puwedeng magsama ang parehong kasarian, wala dun.
Palagay dun sa mga more liberalized country babagay yan, pero sa atin masasabi natin na being a predominantly Catholic country we are more conservative when it comes to those issues.
B: RH bill?
JV: To be honest up to now ako’y hating-hati dyan.
Bilang dating mayor ng isang lungsod alam ko na kinakailangan talagang kontrolin ang populasyon at the rate we are growing at 2 million babies being born every year na kahit gaano lumago ang ating ekonomiya palagay ko mahihirapan pakainin ng ating ekonomiya ang growing population, and in 20 years time we will have 50 million more Filipinos so on that aspect Im for the population control.
On the other hand, Catholic educated ako, I went to Jesuit institution, Xavier for elementary and high school and De La Salle for College. I was hoping na magkaroon ng comprise ang clergy at ang pro-RH.
Pati sa pamilya, ang akong father si President Erap very much pro-RH and mother ko naman (San Juan Mayor Guia Gomez) very much anti-RH.
Whatever my decision is, kung darating ang panahon I hope it will be respected in the way the other congressmen kung ano man ang kanilang magiging desisyon rerespetuhin din natin they will have their reason, ako rin meron.
B: Isusulong mo ba ang Charter change?
JV: Ako in favor ako na maamyendahan yung Constitution, I think it has to be updated in tune to the changing time.
Alam nyo nung isinulat ito there was no such thing as globalization, wala pang world wide web, wala pang internet at that time, kumbaga the world has gone so much smaller, lumiit ang mundo ang labanan ngayon ay world trade organization I think specially the economic provisions, we have to make our country globally competitive ang ating ekonomiya.
Kasi ngayon mabigat to kung hindi tayo sasabay talagang mapag-iiwanan tayo. I am in favor of Chacha especially in (amending) the economic provisions.
B: Ilan ba ang bahay mo, property mo?
JV: Isa lang.
B: …sasakyan?
JV: Siguro mga 10, kolektor ako eh.
B: Gun owner ka ba? Ilang baril meron ka?
JV: Probably five or six.
B: Anong pakiramdam kung magsasama kayo ni Sen. Jinggoy sa Senate?
JV: Well that remains to be seen.
It will be something to watch.
Ang maganda lang sa amin, bagamat open book naman yung aming rift, rivalry ever since, at least hindi man kami magkaibigan, hindi kami buddy-buddy at least hindi kami nag-aaway, hindi na kami magka-away.
At tsaka ang isa pa hindi kami buy one take one na pag nakuha mo yung isa sigurado ka na sa isa, So yun ang maganda.
So we will have our own stand on issues, ngayon palang magkakaiba yung aming ano eh, pag may issue mag kaiba yung aming (stand).
Kaya yun, that remains to be seen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.