Maging makabayan tayo paminsan-minsan | Bandera

Maging makabayan tayo paminsan-minsan

Ramon Tulfo - September 08, 2016 - 12:18 PM

MALAKING kapalpakan ang nagawa ni Pangulong Digong nang murahin niya ang kapwa niya head of state bago siya dumalo sa malaking pulong sa Laos, pero humingi na siya ng paumanhin.

Ito ay pakiusap sa ating mga kababayan, lalo na yung mga kasamahan ko sa media: Huwag na nating palalain ang pagkakamali ng ating Pangulo sa pamamagitan ng pabalik-balik na komentaryo habang siyaý nasa Laos.

Tigil-putukan muna tayo, mga abay, sa pagbatikos kay Digong habang dumadalo siya sa summit ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Hintayin natin siyang makabalik at doon na kayo bumanat sa kanya ng husto kung di pa kayo nakontento.
Kahit na galit kayo kay Digong, ang kanyang kasiraan ay kasiraan ng buong bansa.
Maging makabayan naman tayo paminsan-minsan.

Maraming mga “dilaw”, or yung supporters ng natalong presidential candidate Mar Roxas, na nagpakita ng kagalakan sa pagbobomba sa Davao City na pumatay ng 14 katao at sumugat ng marami pang iba.

Ang mga walang-pusong mga taong ito ay nagbigay ng comment sa Facebook na di naman daw pala ligtas ang lungsod na gaya nang sinasabi ni Mayor at ngayon ay Presidente Duterte.
Dadanasin ng mga taong natutuwa sa trahedya ng kanilang kapwa ang ganoong trahedya.
Ganoon ang pamamaraan ng Sanlibutan.

Parang walang pagkakaisa sa sasabihin ang Gabinete ni Mano Digong tungkol sa insidente sa Laos.

Habang si Presidential Communications Secretary Martin Andanar ay nagsasabi na sinisiguro ni Mr. Duterte na pinahahalagahan niya ang pagkakaibigan ng US at Pinas, ito namang si Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo ay inaakusahan naman ang US sa maling “pagbasa” ng pagmumura ni President Duterte.

Habang ang Department of Foreign Affairs ay nagsasagawa ng damage control at sinabing si Mr. Duterte ay umaasa na malulutas ang di pagkakauwaan niya kay Obama, sinasabi naman nitong si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello na si Obama ay “lameduck” president na.

Ano ba talaga, mga kuya? Humihingi ba tayo ng patawad o nagbibigay ng rason?

Kung tayoý humihingi ng paumanhin itigil na natin ang pagbibigay ng anu-anong dahilan kung bakit nasabi ni Mano Digong ang sinabi niya.

By the way, dapat ay pagalitan ni Andanar si Panelo dahil inaagawan siya nito ng trabaho.

Ang pagbibigay ng mga anunsiyo tungkol sa Pangulo trabaho ni Andanar at ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

May karapatan na pagalitan ni Andanar si Panelo dahil nakakataas siya ng ranggo sa abogadong madakdak.

Si Andanar ay Cabinet member samantalang si Panelo ay mas mababa ang puwesto sa Secretary.

Dapat pinagsasabihan ang matandang paurong.

Hindi makatarungan itong si Judge Philip Aguinaldo ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Pinawalang-sala ni Aguinaldo si Angelo Lopez, isang notorious drug pusher at addict sa kanilang lugar, sa kasong panggagahasa sa pamangkin ng kanyang asawa.

Ang biktima ay 12 years old noong naganap ang rape.

Ang “magaling” na huwes ay naniwala sa sinabi ni Lopez na wala siya sa bahay nila nang maganap ang rape.

Si Lopez ang tinuturo mismo ng bata.

Ang depensa na wala siya sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ay tinatawag na alibi.

Ang ginawa ng bata ay positive identification kay Lopez na nanghalay sa kanya.

Sa korte talo ng positive identification ng biktima ang depensang alibi ng akusado.

‘Yan ay alam ng kahit sinong first year law student.

Paano nakapasa sa Bar exams itong si Aguinaldo?

Saan siyang lupalop nagtapos ng abogasya?

Gago yung piskal ng Dasmarinas, Cavite na tumanggap at pumatol sa isang reklamo ng isang babae na siyaý nagkabeke dahil napilitan siyang i-oral sex ang kanyang boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat ay ibinasura agad ni Piskal ang reklamo dahil itoý pangpersonal na problema ng magnobyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending