Bagong opisina ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. pinasinayaan
HINDI na magmimistulang iskuwater at palaboy ang volleyball sa bansa.
Ito ay matapos pasinayaan ng mga opisyales ng Federation International des Volleyball (FIVB) at Asian Volleyball Confederation (AVC) Linggo ng umaga ang magiging training center at bagong bahay ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) na nasa loob ng Arellano University Gym sa Taft ave., Maynila.
Mismong sina FIVB Honorary Life President at AVC-AWCC president Jizhong Wei ng China at FIVB Executive Vice-President Essa Hamza Ahmad Al FAilakawi ng Kuwait at dating AVC secretary-general at Thailand Volleyball Association Honorary President at AVC Sports Events chairman Shanrit Wongprasert ang dumalo kasama sina LVPI president Jose “Joey” Romasanta at vice-president Peter Cayco, may-ari ng Arellano University.
Sinabi ni Romasanta na kabilang sa bagong training center at bahay ng volleyball sa bansa ay binigyan din ng FIVB at AVC ng mamahalin at pinakabagong labas na taraflex flooring ang asosasyon na magagamit ng iba’t-ibang stakeholders ng volleyball sa bansa.
“With the unprecedented popularity of volleyball now, we are looking towards to improve our ranking, form the national team not just for international competition but to tour around the country, and center more on the direction of the athletes,” sabi ni Romasanta.
Ang taraflex flooring na ginagamit sa mga laro ng volleyball ay ilan lamang naman umano sa mga bagong labas na produkto na aprubado ng FIVB at AVC at ipinakilala kamakailan lamang sa pagsasagawa ng World Grand Prix.
“It is the tri-color or iyung iba ang kulay ng attack line sa back row tapos iba din iyung sidelines,” sabi ni Romasanta. “I think the flooring was sort of very few materials around and we are very lucky enough to have one, and will be available for all the stakeholders.”
Idinagdag pa ni Romasanta na binuo na rin nito ang Referees at Coaches Commission habang itinalaga nito ang National Pool kay Dr. Benjamin Espiritu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.