'Nakakaawa naman si Bimby, lumalaking walang father figure tulad ni Joshua!' | Bandera

‘Nakakaawa naman si Bimby, lumalaking walang father figure tulad ni Joshua!’

Cristy Fermin - September 06, 2016 - 12:25 AM

james yap at bimby

MATIPID lang sa pagsasalita si James Yap pero ang iilang linyang binitiwan niya tungkol sa pagkabigo niyang mahiram-makasama ang anak nila ni Kris Aquino na si Bimby ay pinagpistahan sa social media at maging sa mga pahayagan.

May pinagkasunduan sina James at Kris sa korte nang ipawalang-bisa ang kanilang kasal na may karapatan si James na mahiram ang kanilang anak, pumayag si Kris sa kasunduan, pero hindi naman pala ‘yun nangyayari.

Sa ganitong sitwasyon ay si Bimby ang nakakaawa. Lumalaking walang father figure ang bata. Nandiyan naman si James Yap, puwede naman silang mag-bonding para sa seguridad ng kalooban ng bagets, pero hindi ‘yun pinapayagan ni Kris.

Ganyan na rin ang sitwasyon ni Joshua, hindi rin regular na nakukuha ni Kuya Ipe ang anak nila ni Kris, sana’y huwag nang mangyari kay Bimby ang pinagdaanan ng kanyang kuya.

Masaya na si James Yap sa relasyon nila ni Michela Cazzola, meron na silang anak ngayon, gusto nga sanang ipakilala ni James ang kanyang anak kay Bimby. Pero mukhang hindi pa ngayon mangyayari ang kanyang pangarap.

Depende pa ‘yun sa magiging desisyon ni Kris. Kapag gusto na ng aktres-TV host ay baka mangyari na ang kanyang gusto.

Puro na lang ang gusto ni Kris ang nasusunod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending