Sylvia natatakot magkaroon ng baklang anak | Bandera

Sylvia natatakot magkaroon ng baklang anak

Ervin Santiago - September 06, 2016 - 12:25 AM

sylvia sanchez

DIRETSONG inamin ni Sylvia Sanchez, ang lead star ng bagong Kapamilya series na The Greatest Love, na natatakot siyang magkaroon ng anak na bading o tomboy.

Sa report ng ABS-CBN kahapon, sinabi ni Sylvia na nu’ng bata raw ang anak na si Arjo Atayde ay inakala niyang lalaki itong bading, “Malapit kasi ako sa gays talaga. Si Arjo nu’ng lumalaki, kasi sanay siya na ang kasama ko, best friend ko, gays. Tapos ang kapatid niya, si Ria, babae lahat ng nakakasama.”

“So, dumating na nilalaro ni Arjo, doll. Hindi siya naglalaro ng baril-barilan,” kuwento pa ng aktres.
Hirit pa nito, “Oo, takot akong magkaroon ng anak na bading. Ang takot ko kasi, ayokong mag-isa ang anak ko. Suwerte kapag nakahanap siya ng taong magmamahal sa kanya, but what if wala? Yun yung takot ko, eh.”

“Pero kung magkaroon ako ng anak na lesbian, gay, tatanggapin ko. Ipagmamalaki ko pa. Kung gay ka, pumunta ka sa New York, maging designer ka, maging make-up artist ka, pag-aaralin kita,” sey pa ni Sylvia.

Sa panghapong seryeng The Greatest Love (after Doble Kara) na nagsimula na kahapon, ginagampanan ni Sylvia ang karakter ni Gloria, isang ina na magkakaroon ng dementia. Meron siyang anak ditong bading na ginagampanan ni Matt Evans.

Ang iba pang gaganap na anak ni Sylvia sa The Greatest Love ay sina Dimples Romana, Andi Eigenmann at Aaron Villaflor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending