Lav Diaz gustong idirek si Vice Ganda: Pwede siyang Gangster! | Bandera

Lav Diaz gustong idirek si Vice Ganda: Pwede siyang Gangster!

Ervin Santiago - September 06, 2016 - 12:20 AM

vice ganda at lav diaz

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gusto ring idirek ng award-winning na si Lav Diaz ang Box-Office Phenomenal Star na si Vice Ganda.

Ilan sa mga malalaking celebrities na naidirek na ni Lav ay sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz para sa “Hele Ng Hiwagang Hapis” at Charo Santos-Concio para naman sa “Ang Babaeng Humayo” na isa sa mga magiging kalahok sa 2016 Venice International Film Festival.

At nang tanungin nga sa isang panayam kung sino pa sa mga sikat na artista ngayon ang gusto niyang bigyan ng award-winning material na posible ring tumagal ng tatlo hanggang pitong oras na screening time, ang pangalana ni Vice Ganda ang isinagot ni direk Lav.

“It’s a film na para siyang gangster. I like Vice Ganda, pwede siya eh,” pahayag ng direktor sa interview ng ABS-CBN.

Naniniwala ang magaling na direktor na hindi dapat makulong si Vice at ang iba pang kilalang aktor sa isang kategorya ng pelikula lamang, tulad ng comedy o romantic-comedy.

“Hindi pwedeng mag-kahon ka dahil si Vice nasa commercial (movies siya. Pwede sila lahat. They’re all good actors,” paliwanag ni direk.

Isa pa sa pangarap na makatrabaho ng direktor sa susunod niyang mga proyekto ay si Judy Ann Santos, na talaga nirerespeto niya pagdating sa pag-arte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending