Veteran actress walang awa sa mga tindera, ang lakas mambarat | Bandera

Veteran actress walang awa sa mga tindera, ang lakas mambarat

Cristy Fermin - September 05, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

UMIRAL na naman ang pagiging kuring ng isang matatawag na nating bete-ranang aktres dahil nagkakaedad na siya nga-yon. Mahilig magpunta sa mga baratilyo at surplus stores ang aktres na ito.

Dahil sa pagiging sarado ng kanyang mga palad ay hindi siya namimili ng kanilang mga kagamitan sa mga kilalang mall, nalilibot niya ang mga surplus store, galugad niya pati ang mga nasa probinsiyang malapit lang sa Maynila.

Kilalang-kilala na siya sa mga ganu’ng lugar, nagkakatimbrehan ang mga may-ari, dahil may asosasyon ang mga may-ari ng surplus stores. Ano nga ba ang pagkakilala sa aktres ng mga tindera, malakas ba siyang bumili, masarap ba siyang maging kostumer?

Kuwento ng aming source, “Naku, siya ang tinatawag ng mga tindera na reyna ng kakuringan! True, surplus store na ngang naturingan ang mga pinupuntahan niya, pero super-tawad pa rin siya na halos hingin na lang niya ang mga paninda!

“At dahil madalas nga siyang magbiyahe sa iba-ibang bansa, e, nagkukumpara siya ng presyo! Ang palagi niyang sinasabi, ‘Bakit ang mahal-mahal naman ng mga paninda n’yo? Madalas akong bumiyahe, alam ko ang presyo ng mga itinitinda n’yo!’

“Nakakaloka siya, binabarat pa niya ang mga paninda, e, sagad na sagad na nga ang mga presyo? Konting tutubuin ng mga kababayan natin sa maghapong pagtitinda, e, hirap na hirap pa siyang ibigay!

“Ang sabi ng mga tindera sa kanya, e, mahal din kasi ang bayad sa pagpaparating sa mga paninda nila, pero ayaw maniwala ni ____ (pangalan ng beteranang aktres), puro luma na nga raw ang mga paninda nila, e, ang laki-laki pa rin ng presyo!

“Naku, Bradly Guevarra, may putong pa namang korona sa ulo ang babaeng ito, may anak na rin siyang nag-aartista, pero mula nu’n hanggang ngayon, e, kuripot at baratsina pa rin siya!” pagsisimula at pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending