Wally sa pagbabalik ni Paolo sa Eat Bulaga: Girl, pray lang nang pray! | Bandera

Wally sa pagbabalik ni Paolo sa Eat Bulaga: Girl, pray lang nang pray!

Ervin Santiago - August 23, 2016 - 12:01 AM

jose wally paolo

NAGSIMULA nang mag-shooting sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros para sa pelikulang “Enteng Kabisote 10” na pagbibidahan ni Vic Sotto.

Ayon kay Wally, napakasaya nga raw ng unang shooting day nila dahil nagsilbi rin itong reunion para sa tatlong lola na bumibida rin sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Ilang buwan na kasing hindi napapanood si Paolo sa noontime show ng GMA dahil sa six-month suspension na ipinataw sa TV host-comedian.

Nakausap namin si Wally sa ginanap na PEP List Awards nu’ng Linggo ng gabi sa Grand Ballroom ng Crowne Plaza, kung saan tinanggap niya ang kanyang tropeo bilang Male Comedy Star of the Year.

Dito nga niya ibinalita sa amin ang pagsasama-sama uli nila nina Jose at Paolo sa pelikula ni Bossing na ilalaban this year sa Metro Manila Film Festival. Ayon pa kay Lola Nidora, excited na rin sila sa pagbabalik ni Paolo sa kalyeserye ngayong darating na Setyempre.

Ayaw kumpirmahin ng komedyante ang eksaktong date ng pagbabalik ni Paolo sa Eat Bulaga, pero aniya, “Basta malapit na malapit na. Ayoko namang pangunahan ang management dahil sila lang talaga ang makakapag-confirm niyan, kaya abangan n’yo na lang ang final announcement.”

Kung matatandaan, na-suspend din noon si Wally sa noontime show matapos masangkot sa isang video scandal, pero makalipas nga ang ilang buwan, pinabalik din siya sa programa at muling nakabawi sa kanyang career nang sumikat ang karakter niya sa kalyeserye bilang lola ni Yaya Dub.

Ang lagi lang daw sinasabi ni Wally kay Paolo ay huwag na huwag kalimutang magdasal, ito rin daw kasi ang laging payo sa kanya ng komedyante noong siya ang nawala sa Eat Bulaga, “Girl, pray lang nang pray!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending