'Makasarili ang dating ni Kris, negang-nega ang imahe!' | Bandera

‘Makasarili ang dating ni Kris, negang-nega ang imahe!’

Cristy Fermin - August 22, 2016 - 12:20 AM

kris aquino 2

NAGPAPAUNAWA si Kris Aquino sa kanyang post sa Instagram account niya. Sana raw naman ay maunawaan ng mga kababayan natin ang ginawa niyang pagpirma ng kontrata sa produksiyon ni Mr. Tony Tuviera.

Career move ang ibig niyang sabihin, bawat personalidad ay may ginagawang hakbang para sa ikauunlad ng kanyang karera, katanggap-tanggap man ‘yun o hindi para sa marami. Pero hindi makukuha ng pakiusap ni Kris ang mas nakararami, nagsasanga-sa-nga na kasi ang mga kuwento kung bakit siya tumalikod sa ABS-CBN, at sa dami ng mga kuwentong naglalabasan ay siya ang nega.

Parang lumalabas na kapag hindi paborable sa kanya ang pagkakataon at sitwasyon ay hindi niya ‘yun matanggap, makasarili ang dating ni Kris, samantalang napakahabang panahon ang ginugol niya sa bakuran ng Dos.

Isa pa ay lantad naman sa loob at labas ng industriya ang naging hidwaan nila nu’n ni Ai Ai delas Alas, isa si Kris sa mga dahilan ng pagkabilang-bakod ng Philippine Comedy Queen, pero heto at sinundan niya na naman ang nananahimik nang komedyana.

At ang pinakamarkado ay ang mga salitang binitiwan niya nu’n na hindi niya naman pinanindigan, napakarami nu’n para maisa-isa pa namin, du’n siya sinukat ng ating mga kababayan. Kung anuman ang kahihinatnan ngayon ng paglipat niya sa kuwadra ng Siyete ay wala pang nakakaalam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending