Arci Muñoz bading na bading ang emote sa lalaki
DIRETSONG inamin ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz na siya ang nanligaw at gumagastos sa unang naging boyfriend niya, “Yes, four years akong nag-stalk sa kanya.”
Sa guesting ni Arci at ng iba pang cast members ng pelikulang “Cap Sawi” sa Gandang Gabi Vice last Sunday, sinabi ng dalaga na nagkaroon ng part 2 ang ligawan nila.
“Oo kasi nililigawan niya ako, tapos nakita siya ng mommy ko na meron siyang kahalikang ibang girl. Nakalipas yung ilang taon nakita ko siya ulit pumunta siya sa gig ko.
“Six months lang kami kasi meron siyang isa pa na girl. Out of nowhere kasi sobrang okay kami tapos 6 a.m. (nagtext siya), sabi niya, ‘I need a break.’”
“Yes, aaminin ko, ako ang nanligaw. Ni-renovate ko pa nga yung kwarto, nagpintura ako, bumili ako ng kama, carpet, TV,” pag-amin ng aktres. May pagkakataon pa nga raw na siya ang nagbayad ng loan ng kotse ng lalaki.
Meaning, bading na bading ang peg ni Arci noon pagdating sa lovelife.
Kuwento naman ng isa pang “Camp Sawi” lead star na si Bela Padilla, 20 years old siya nang matikman ang first heartbreak, “Akala ko magbabalikan kami kaya kami magkikita. Kasi nagbreak na kami text lang, tapos nagkita kami. Kasi magkatext na kami araw-araw ulit. Yun pala nireready niya lang ako.
Pagkakita niya sa akin sabi niya sa akin okay lang ba may liligawan na akong iba?
“Ang malala wala siyang dalang kotse ako pa naghatid sa kanya pauwi. Tapos nag-request pa ako ng last hug, mga 30 minutes yun, ayaw (ko) nang bumitaw,” pahabol pa ni Bela.
Samantala, unang nasawi sa pag-ibig ang isa pang “Camp Sawi” star na si Yassi Pressman noong 18 years old siya, “Di ko alam na break na kami. Ang balita ko kami pero ang daming nagsasabi na may girlfriend siyang iba.
“Pag mahal mo kasi di ba, hindi mo tatanggapin na may gagawing mali sayo. Uunawain mo…bibigyan mo ng isa pang chance…” pabitin pang sey ni Yassi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.