Gusto ng maka-ahon sa mga pagkakautang (2) | Bandera

Gusto ng maka-ahon sa mga pagkakautang (2)

Joseph Greenfield - August 14, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Adel ng Gelerang Kawayan, San Pascual, Batangas
Problema:
1. Baon po kami sa utang at ito ang malaking problema ng aming pamilya. Maliit lang kasi ang suweldo ng mister ko bilang guwardya, habang ako naman ay naglalabada lang. Apat ang anak namin na puro nag-aaral. Gusto ko pong mabago ang takbo ng aming buhay at makabayad sa mga pagkakautang para wala ng mga naniningil sa akin tuwing umaga. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan at makabayad sa mga utang?
2. Sana bigyan nyo rin ako ng pampasuwerteng numero para makaranas man lang kami ng masarap na buhay na hindi na kinakapos sa mga pangangailang at hindi na nangungutang. January 17, 1980 ang birthday ko at May 14, 1978 naman ang mister ko.
Umaasa,
Adel ng Batangas
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang kaibigan, kamag-anak o ang mismong mister mo na isinilang sa zodiac sign na Taurus, makapagnenegosyo ka at ang nasabing negosyo ang magiging simula upang maka-ahon kayo sa kahirapan at unti-unti ng makabayad sa mga pagkakautang.
Numerology:
Ang birth date mong 17 at 14 naman ang mister mo ay nagsasabing mapalad kayo sa numerong may sumatotal na 5 at 7, tulad ng 14, 23, 32, 41, 16, 25, 34, 43 at iba pang mga kauri nito.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa panahong may negosyo na kayo, laging gumamit ng kulay na dilaw at pula. Ang nasabing kulay ang magbibigay ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran sa aspetong pang-pinansyal at kabuhayan.
Huling payo at paalala:
Adel ayon sa iyong kapalaran, sa darating na Enero 2017 biglang magbabago ang buhay nyo pagdating ng isang kamag-anak o kaya’y kaibigan na galing abroad. Ang nasabing nilalang na may zodiac sign na Taurus ang magpapahiram sa inyo ng puhunan, upang makapagnegosyo at sa nasabing negosyo na may kaugnayan sa grocery at bigasan, uunlad ang inyong buhay, makaka-ahon na sa kahirapan, hanggang sa tuluyan na ring makabayad sa mga pagkakautang at sa bandang huli tulad ng inaasahan, tuloy-tuloy na ring aasenso at sasagana ang inyong pamilya habang buhay hanggang sa tuluyan na din kayong yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending