Aktor na nasa ‘drug list’ kabado na | Bandera

Aktor na nasa ‘drug list’ kabado na

Den Macaranas - August 10, 2016 - 07:10 PM

NAGPAPALAMIG ngayon sa isang lalawigan sa Southern Tagalog Region ang isang aktor makaraang mapasama umano ang kanyang pangalan sa listahan ng mga drug personalities sa kanilang lugar.

Sinabi ng ating Cricket na isang liham ang tinanggap ng aktor na ipinadala sa kanilang bahay na matatagpuan sa isang sikat na gated subdivision dito sa Metro Manila.

Hindi na raw hinintay ng aktor na maging bahagi pa siyang ng Oplan Tokhang, kaya sa tulong ng ilang mga kaibigan ay nagawa niyang makipagkita sa hepe ng pulisya sa kanilang lugar nang hindi na dumadaan sa mata ng publiko.

Tulad nang inaasahan ay todo-tanggi ang aktor sa mga akusasyon sa kanya at handa rin daw siyang sumailalim sa drug test para patunayan na hindi siya drug user.

Duda ng aktor, posibleng isang kabaranggay niya ang nagtimbre sa mga otoridad kaya siya napadalhan ng sulat ng mga pulis kaugnay sa kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.

Pumirma rin sa isang kasunduan ang aktor na siya ay sisipot sakaling muling ipatawag for further questioning.

Bihira nang lumabas sa mga tv shows at pelikula si aktor na naging single father din bago ikinasal sa kanyang kasalukuyang asawa.

Dati niyang nakarelasyon ang isang maganda at seksing aktres kung saan siya ay nagkaroon ng isang anak.

Sa kasalukuyan ay mas excited ang mga taga-showbiz kung kailan maisasama sa drug list at ilalantad sa publiko ang involvement sa droga ng isang mayabang at baklitang tv host.

Kilala rin sa antas ng mga pasosyal ang baklang ito na ang balita ng ating Cricket ay naglalagi daw muna sa abroad sa takot na baka madali siya ng riding-in-tandem.

Nag menor din sa kanyang involvement sa illegal drug trade ang isang kilalang actor/ tv director dahil sa takot at payo ng kanyang mga kaibigan at kaanak.

Sa susunod na mga pagkakataon ay magiging bida rin sila sa ating kwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang aktor na pinadalhan ng sulat sa kanyang bahay dahil napasama siya sa listahan ng mga drug personalities ay si Mr. G…..as in Grasya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending