Amnesty Int’l binatikos si Duterte sa kanyang shoot-to-kill order
KINONDENA ng Amnesty International si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang shoot-to-kill order laban sa mga opisyal na sangkot sa iligal na droga, sa pagsasabing ito’ y paglabag sa karapatang mabuhay.
“This is a deeply alarming call given the rapid rise in killings in the country. Amnesty International strongly opposes such measures, which will further exacerbate the culture of impunity amongst law enforcement officials for human rights violations in the Philippines,” sabi ng pahayag.
Ito’y matapos namang maglabas ng shoot-to-kill order si Duterte sa mga umano’y sangkot sa narco-politics.
“These latest statements by President Duterte give law enforcement agencies unrestricted powers to continue further killings, which affects the most marginalized sectors of the population, including people who use drugs,” ayon pa sa grupo.
Sinabi pa ng non-government organization na nakabase sa London na dapat na tumalima ang Pilipinas sa pandaigdigang karapatang pantao.
“Under international human rights law, including treaties which legally bind the Philippines, the right to life is non-derogable. It cannot be restricted even in times of crisis,” sabi pa ng Amnesty International.
Kasabay nito, binatikos din ng grupo ang nakakabahalang pagbabandera ni Duterte sa mga pangalan ng mga indibidwal na umano’y sangkot sa roga ng wala namang sapat na ebidensiya.
“Amnesty International is also concerned that the practice of public naming and shaming of individuals, in a climate where anyone can kill anyone in the name of the ‘war on crime,’ is highly dangerous and will not only contribute to unlawful killings, but increased lawlessness, with ‘punishment’ being meted out in the absence of legal authority, cogent evidence and fair legal procedures,” ayon pa rito.
Base sa “Kill List” ng Inquirer, umabot na ng 564 noong Agosto ang mga namatay mula nang umupo si Duterte sa kayang puwesto bilang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.