Morning show ni Marian bye-bye na, hanggang August 12 na lang | Bandera

Morning show ni Marian bye-bye na, hanggang August 12 na lang

- August 05, 2016 - 02:50 PM

WALA ng extension at hindi na talaga mapipigil ang pagbye-bye sa morning show ni Marian Rivera sa GMA na “Yan ang Morning”.

Hanggang next week na lang ang itatagal ng show, ayon sa misis ni Dingdong.  August 12 to be exact ang huling airing ng programa.

Bago pa ang kumpirmasyon, matagal na ring usap-usapan sa loob at labas ng GMA at showbiz circle ang planong pagsibak sa programa ni Marian dahil bukod sa hindi nga raw ito nagre-rate, nais daw talagang mag-concentrate ng magandang aktres sa pag-aasikaso sa baby nila ni Dingdong na si Zia.

Pero giit naman ni Marian ang usapan nila ng GMA ay hanggang isang season lang talaga ang show, walang labis at walang kulang.  Chika pa ni Marian na inalok naman daw siya ng GMA executives na i-extend ang show pero talagang gusto muna niyang magpahinga para sa kanyang anak.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending