Dating asawa ni JOSE MANALO inaresto ng mga pulis dahil sa pamemeke ng dokumento?
NU’NG isang araw ay nag-text sa akin ang isang very reliable source at ang sabi ay hinuli diumano si Analyn, asawa ng komedyanteng si Jose Manalo, at dinala sa Station 10 ng Quezon City, ito’y sa bisa raw ng isang warrant of arrest.
Ayon sa source natin, hindi agad nakapagpiyansa si Ms. Analyn ng halagang P12,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan kaya ikinulong muna siya for a day.
“Malamang by tomorrow (kahapon) ay makapaglagak na siya ng piyansa. Ito yung sa kasong Falsification of Documents of a Private Individual na isinampa sa kanya ni Jose.
Marami palang pagkakautang ang misis niya,” anang source natin.
Ayoko munang i-touch yung mga sinasabi nilang pagkakautang ni Ms. Analyn.
Dito lang muna tayo sa current case niya.
Meaning, talagang tinuluyan na ni Jose ang kanyang dating asawa.
Ang buong akala kasi namin ay nagkaayos na sila dahil wala na kaming balita tungkol sa kanilang away before. Nanahimik kasi sila kaya we thought that all’s well with them.
We are praying na sana’y magkaayos pa rin ang dalawa.
Kung hindi man sila maging sweet ulit, sana kahit maging mag-friends man lang.
Kasi nga, meron silang anak, di ba?
Wala namang ibang maaapektuhan diyan kundi ang mga walang kamuwang-muwang nilang mga anak.
At sa pagkakaalam ko, nasa pangangalaga ni Analyn ang mga anak nila ni Jose, pero ayon sa kampo ng komedyante, hindi naman daw ito nagkukulang sa pagsusustento sa kanyang mga anak.
Matagal-tagal na rin yata nitong hindi nakikita ang kanyang mga anak.
Hindi lang kami sigurado kung may agreement na ang dating mag-asawa para sa custody ng mga bata.
Medyo masalimuot kasi ang kanilang sitwasyon ngayon, di ba?
Wala kaming way para makausap personally or matawagan sa phone si Analyn, kaya nananawagan kami na baka maaari niyang linawin ang tungkol sa sinasabing pag-aresto sa kanya kamakailan.
Bukas ang pahinang ito para sa kanyang pagpapaliwanag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.