Liza hinaras ng netizen...Aiza nagwala sa galit: Bastos ka! Wala kang kwentang tao! | Bandera

Liza hinaras ng netizen…Aiza nagwala sa galit: Bastos ka! Wala kang kwentang tao!

Alex Brosas - August 03, 2016 - 12:30 AM

aiza seguerra at liza dino

SEETHING with anger si Aiza Seguerra. Meron kasing nag-comment sa long aria ni Liza Diño. Hindi nakaligtas kay Aiza ang bastos na comment ng isang guy who said, “Pa finger ka na lang dai…para mana himik ka.”

To get even, Aiza posted on her Instagram account the FB account of the guy and his foul message with this caption: “My wife wrote something on Facebook at as usual, kagaya ng ibang mga posts niya, na grab ito ng iba’t ibang news sites.

“Wala naman problemang magkakaiba tayo ng opinyon, Bryan Harris Richard (kung yan man ang totoo mong pangalan). Pero para bastusin mo ang asawa ko dahil hindi ka sang ayon sa kanya, ipinapakita mo lang na wala kang pinag aralan at isa kang walang kwentang tao.

“Napakalakas ng loob ninyong mga bastos kayo. Dahil ano? Facebook lang? Akala niyo hindi namin mababasa? Iisa-isahin ko kayong mga bastos kayo ng makita ng lahat ng tao kung ano ang pinagsasabi ninyo sa aming mag-asawa.

“Magmula ngayon, ipopost ko lahat ng kabastusan na sinasabi ninyo tungkol sa amin. Pati picture niyo popost ko. Pati pangalan niyo. Iisa isahin ko kayo.” We understand where is Aiza coming from. Ikaw ba naman bastusin nang ganoon, hindi ka ba magwawala?

Para siguro magtanda, mas mabuting magdemanda ka na lang. Problem is, paano kung hindi naman niya tunay na pangalan ang ginagamit ng basher? Anyway, that’s the problem with social media nowadays. ‘Yung iba, matatapang mag-comment dahil hindi naman nila tunay na pangalan ang ginagamit nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending