Heart kay Kim: Nakakatuwa, game na game siya! | Bandera

Heart kay Kim: Nakakatuwa, game na game siya!

Ervin Santiago |August 03,2016
facebook
share this

Heart kay Kim: Nakakatuwa, game na game siya!

Ervin Santiago - August 03, 2016 - 12:05 AM

heart evangelista at kim domingo

NAG-EENJOY si Heart Evangelista sa mga “fight scenes” nila ng Kapuso sexy star na si Kim Domingo sa GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.

Magaan daw kasing katrabaho si Kim at walang kaarte-arte. Kahit daw baguhan pa lang sa pag-arte ang bagong pantasya ng mga kalalakihan ay mabilis itong matuto. “Okey naman kami. Very friendly siya, at saka kumportable rin ako sa kanya. Kahit nagpa-fight scene kami, very tender siya. She’s really nice,” sabi ni Heart sa isang panayam.

Dagdag ni Heart, feeling niya at home na at home na rin ang sexy actress sa kanya dahil hindi naman daw niya nakikitang naiilang ito sa mga eksena nila sa Juan Happy Love Story. In fairness, game na game talaga sa pagpapaseksi si Kim, sabi nga ng ilang manonood, kung bitin na bitin ang mga kalalakihan sa pagiging daring ni Heart sa mga eksena nila ni Dennis Trillo sa serye, kay Kim naman ay jackpot ang male viewers.

Reaksiyon ng misis ni Sen. Chiz Escudero, “Yeah, happy ako na naba-balance niya. Siya yung taga-todo, ako lang ang taga-initiate. So buti na lang nandiyan si Kim.” Tuwang-tuwa naman si Heart dahil gustung-gusto ng manonood ang tandem nila ni Dennis sa nasabing GMA naughty serye, “May mga taong never ko pang nakikita, sa Twitter. May account na first time ko lang nakita na nagsasabing, ‘I like you guys.’

“And it’s nice na modern na rin ang thinking ng mga tao. Especially ako, I’m married, tapos si Dennis, may something siya. Nakakatuwa na nakikinig sila, open-minded. Hindi katulad dati na kapag loveteam, kailangan magkatuluyan,” hirit pa ng Kapuso actress.

Kahit daw si Sen. Chiz ay aliw na aliw sa programa, “Oo nanonood siya, ang cute raw! Sana raw magkaroon kami ng sitcom. Kasi the story is puwedeng i-sitcom. Sabi niya, ‘Mag-e-end na kayo, sad naman.’ Kasi, good vibes siya.”

Ngayong gabi sa Juan Happy Love Story, narito ang kailangan n’yong abangan: Biglang nanghina si Happy (Heart) sa narinig. She takes back what she said. She’s totally mortified. Juan (Dennis) assures her na itutuloy pa rin nila ang set-up hanggang makuha si Katkat. Happy pretends she’s okay.

The next day, awkward sina Happy at Juan habang nagbe-breakfast. Tatanungin ni Katkat kung magkagalit ba sila sa isa’t isa. Pero todo deny agad ang dalawa. Magpapaalam na si Juan.  Katkat requests na halikan ni Juan ang kaniyang momsie. No choice si Juan to kiss Happy in front of the child para di ito magduda.

Kasama ni Happy ang kaniyang pamilya. She breaks down in tears as she tells them kung ano ang sinabi ni Juan. Sana hindi na lang daw niya hinayaan ang sarili na mahulog para kay Juan.  Pero si Juan ang gusto pala ay annulment. Shocked sina Isay at Joy. Boyong butts in and tells Happy to end this charade. But Happy says na kailangan niyang gawin ‘to para makuha si Katkat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending