ISANG buwan matapos ideklara ang gera laban illegal drugs, magkakaiba ang estadistika ng PNP at media.
Ayon sa PNP-PIO, 316 drug suspects ang napatay sa buong bansa mula July 1-27 at merong daily average na 11. Meron daw 4,386 suspects ang arestado at 141,659 ang sumuko.
Sa “kill list” naman ng INQUIRER, 476 na ang napapatay ng pulis, kung saan 107 ang “unidentified” samantalang 49 naman ang kilala lang sa alyas. Kung kukwentahin, 15 ang napapatay bawat araw ng mga pulis. At kapag ganito ang kalakaran sa susunod na limang buwan, o natitirang 153 days ng 2016 na pangako ni President Duterte, meron pang itutumbang 2,295 drug offenders, tulak man o adik.
Sa totoo lang , maikukumpara ang nangyayari sa atin sa Thailand noong February-May2003, nang ilunsad ni dating Prime Mi-nister Thaksin Shrinawatra ang “war of drugs” doon kung saan 2,275 drug suspects ang na-patay sa average na 19 bawat araw. Mahigit 300,000 mga drug pushers at users ang sumuko bago dineklara ni Thaksin na “Drug-Free” ang Thailand.
Galit din ang mga Thais noon dahil sobrang talamak na sila sa droga na kahit mga teachers, Buddhist monks, pulitiko, pulis, sundalo ay kasangkot din. Nakikita ng mga tao doon na mga demonyo ang mga drug traffickers na kalaban ng bansa at kailangang patayin. At si Thaksin ang sagot para labanan ang droga. Bagay na malaki ang pagkakapareho ngayon ni Duterte.
Kung minsan, naiisip natin na kailangang dumaan talaga ang bansa sa isang madugong yugto, tulad ng mga ‘rebolus-yon” hindi tulad ng “people power” sa atin na pinakinabangan lamang ng mga pulitiko.
At ito ngang paglipol sa “drug traffickers” ay tinitingnan ng marami na “necessary evil” na kailangang gawin at kung hindi ay magiging huli na ang lahat. Of course, maraming debate sa human rights violations pareho din ng nangyari sa Thailand. Subalit ang kaibahan dito sa atin ay ang lumilitaw na mga bagong ebidensya na kasangkot dito ang mga “narco-generals” , “narco-politicians” at ang mga promotor ay mga pulis mismo.
May impormasyon pa nga na hindi na Chinese drug lords ang may control kundi mismong mga pulis natin. Ihalimbawa natin ang Quezon city, kung saan mga dating District Directors ang kasangkot batay na rin sa imbestigasyon ng NAPOLCOM at ngayo’y DOJ.
Idagdag mo pa riyan ang unang 32 pulis na itinapon sa Mindanao at an gang 88 na miyembro ng District Anti-Illegal drugs (DAID) ng QCPD na sinibak sa pwesto. Lumi-litaw na meron talagang grupo ng mga “pulis” na ngayo’y mga malalaking “drug distributors” sa Metro Manila at ang kanilang pinuno ay nasa loob ng Bilibid prison.
Pinaniniwalaang nasa Master Drug list din ang ilang opisyal ng NBI, PDEA, Immigration, Customs, Coast Guard at maging mga Mayor, Go-bernador at Congressman. Susunod na raw ang kampanya sa mga “party drugs” sa mga exclusive nightclubs sa Makati.
Kahapon, may tinumbang Chinese Mestiza na umano’y Chinese drug lord. Ito na kaya ang si-mula ng pagtugis ng PNP sa mga high-profile na mga drug personalities? Aarestuhin na kaya ng PNP ang mga Narco-Generals, Congressman, Governor at mayors na kasangkot sa droga?
Abangan natinj!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.