Daniel, Kathryn naghihilahan pataas; Mas lalo pang sinuwerte sa career | Bandera

Daniel, Kathryn naghihilahan pataas; Mas lalo pang sinuwerte sa career

Ervin Santiago - July 31, 2016 - 12:01 AM

kathryn bernardo at daniel padilla

MAY blessing na ng kani-kanilang pamilya ang “exclusively dating” status nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kaya naman wala na silang dapat itago ngayon sa madlang pipol.

Pero ayon sa mga nakakakita sa dalawang Kapamilya stars, maingat pa rin sila sa kanilang mga kilos dahil kailangan pa rin nilang pangalagaan ang kanilang imahe dahil nga marami silang fans na bagets.

Nagsalita recently ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada at sinabi nitong aprubado niya ang “status” ngayon ng magka-loveteam. “Okay! Bongga naman ‘yon!” ang chika ng TV host-singer nang hingan ng reaksiyon sa relasyon ngayon ng KathNiel.

Hirit pa ni Karla, “Minsan nakakatulong ‘yon sa trabaho. Nagkakaintindihan kayong dalawa, hanggang sa kayong dalawa ang magkasama sa trabaho. Ang importante sa nakikita ko ngayon ay naghihilaan sila pataas.”

In fairness, contrary to rumors, patuloy pa rin ang pag-ariba ng career nina Daniel at Kathryn. Bukod sa tinatapos nilang pelikula, pinaplano na rin ang susunod nilang serye. Sunud-sunod din ngayon ang mga bago nilang endorsements. Sila ang new image model ng bagong ad campaign ng San Marino Corned Tuna na “I found my true love!”

Hindi nagdalawang-isip ang KathNiel na tanggapin ang offer ng San Marino dahil naniniwala sila sa produkto at sa gustong iparating na mensahe ng kanilang TV commercial.

Ayon sa mga taong nasa likod ng San Marino, perfect ang magka-loveteam sa kanilang bagong kampanya para sa paghahanap na “true love”. Sabi nga ng isa sa bumuo ng nasabing ad, “Destiny has always orchestrated true love, and one illustration of this is Daniel and Kathryn’s serendipitous moment on how they came together as partners. In San Marino Corned Tuna’s newest commercial, we witness the sweet beginnings of their love story.”

At tulad din ng nasabing produkto, “the Teen King and Queen passionately worked their way to the top, surpassing challenges along the way and discovered the secret to a love that lasts.” Sey ni Daniel, marami na silang nagawang commercials ni Kath, pero ito talaga ang magpapakita kung paano sila nagkakilala at ang mga naging adventures nila bilang partners.

Ayon kay Kathryn, “May 15 seconds kasi na pinakita yung meeting namin hanggang sa paano na kami ngayon. Kilig ang commercial.” Hirit naman ni DJ, “Happy na naman ako kasi, kasama ko si Kathryn dito kaya kumpletong-kumpleto. Kilig ito, pero napakanatural.”

Samantala, sinabi ni Daniel, nalampasan na nila ni Kathryn ang getting-to-know stage. It is already in the “dating comfortably” stage— like pagkain sa labas, manood ng sine, discovering new restaurants, group dates or mag-out-of-town kasama ang kanilang mga kaibigan at minsan, ang kanilang mga nanay.

At tulad nga ng kanilang loveteam (mas gusto raw nilang sila muna ang magkapareha), they are exclusive and want to take it slowly, discovering new stuff, taking things to a different level one step at a time.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

This year, ibang KathNiel ang mapapanood ng madlang pipol sa kanilang bagong pelikula na kinunan pa sa Barcelona, Spain. Mas mature at mas palaban daw ang proyektong ito ng dalawa na siguradong ikaka-shock ng kanilang fans. Pero sabi ng magdyowa anumang success na meron daw sila ngayon ay dahil na rin sa suporta ng kanilang KathNiel fans.

Sabi nga ni DJ, “Yung fans namin, mga KathNiel, sila ang malupit. Yun ang mga record-breaker talaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending