Anne mas pinili ang career kesa kasal: Hindi pa ako ready maging wife!
ISANG masayang Anne Curtis ang nakatsikahan ng entertainment press sa first shooting day ng pelikulang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boy-friend” sa Tandang Sora, Quezon City, sa direksiyon ni Jun Lana under Viva Films.
Katulad ni Billy Crawford na siniguradong si Coleen Garcia na ang makakatuluyan niya, tinanong din namin si Anne kung kailan naman sila magpapakasal ni Erwan Heussaff. Birong sabi ng aktres, “Siguro 3 years pa,” sabay tawa. “We’ll see, kasi when you get married, everything changes in your career, but it will come,” biglang seryosong sabi niya.
Dugtong pa ng Showtime host, “Pero hindi naman three years, pero more or less, we both have an understanding.” Halos lahat ng kaibigan ni Anne ay ikinasal na, bukod dito ay kaliwa’t kanan ang pagtatanong ng mga kaibigan sa kanya kung kailan sila pakakasal ni Erwan. Hindi ba siya nape-pressure? “Natatawa kami, kasi kapag nag-post kami (pictures), may nagsabi, ‘relationship goal, sana kayo na next.’
“Nakakatuwa kasi there’s so many people looking forward to it, but not now,” diin ni Anne. Sinigurado na rin ng actress-TV host na si Erwan na ang makakatuluyan niya, “Hindi naman kami magtatagal ng ganito kung hindi, officially, we’re six years na, unofficial kasi ‘yung dating din kasama na. First time ko kasing mag-long term, pinakamatagal ko dati, three years. Kaya ang saya!”
Aminado rin si Anne na mahirap i-give up ang career over lovelife, “Kasi the Philippine (showbiz) industry is not like Hollywood na even you’re a mom, you can still be a leading lady and hot, di ba? Parang Angelina Jolie.
“Nag-iiba, I don’t know, but maybe people would break their borders with that. For me, if it happens, it happens. Siyempre ayoko namang magsabi ng hindi tapos biglang in a month, di ba? Ang dami-dami ko pang ginagawa, hindi pa ako ready, but it will happen,” say ng aktres.
Pinaghahandaan na ba nila ang kanilang future, tulad ng kung saan sila ikakasal? Saan sila titira? O, nagpapagawa na ba sila ng bahay? “Ay wala pang ganu’n, basta hindi ko pa alam, hindi ko pa masasabi,” natawang sabi ng aktres. Nabanggit ni Anne na sa tingin niya ang tamang edad ng pag-aasawa ay, “I think 34, ‘yun ang tamang age, and I’m 31.”
Dagdag pa niya, “Chill lang muna kami, kasi we’re both travelling and that changes kasi if you have already a baby. Travel pa muna, marami pa kaming hindi nararating like Iceland, South Africa. Saka kakapirma ko palang sa ABS (CBN) ng contract, kaya out of respect naman, di ba?”
At sa tanong namin kung ilang anak ang gusto nila ni Erwan, “Just two lang. And I think, pag ikinasal ka na, mag-baby na agad, you don’t need pa na mag-honeymoon or whatever kasi na-enjoy n’yo na together ang mag-travel.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.