Walang parking, bawal bumili ng sasakyan | Bandera

Walang parking, bawal bumili ng sasakyan

Leifbilly Begas - July 28, 2016 - 06:48 PM
 house of rep Upang hindi na madagdagan pa ang mga sanhi ng trapik sa kalsada, binuhay sa Kamara de Representantes ang panukala na magpaparusa sa mga bibili ng sasakyan pero wala namang garahe.      Sa ilalim ng panukala ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu pagmumultahin ng P50,000 ang mga walang parking space kaya ipinaparada nila sa gilid ng kalsada ang kanilang biniling sasakyan.      Sinabi ni Abu na mahigpit na ipatutupad ang panukala niyang Proof of Parking Space Act sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao at iba pang mauunlad na siyudad kung saan mataas ang bilang ng mga bumibiyaheng sasakyan.      “The problem with traffic is not only confined in the big city streets such as EDSA, and congestion isn’t isolated in the vicinity of Manila ports – the motor vehicles that continue to occupy the side streets, parked and idle, push carts, litters of all kind have been eyesores and a hindrance to foot and automobile traffic in most of our streets,” ani Abu.      Sa ilalim ng panukala, hindi rin maaaring irehistro ng Land Transportation Office ang isang sasakyan kung wala itong paradahan.      “Motor vehicle owners should be made responsible to provide a permanent parking space for their private vehicles, whether this is made an integral part of their house or building structure or leased facility,” dagdag pa ni Abu.      Kung mapapatunayan na nagsinungaling ang bumili ng sasakyan at wala talaga itong paradahan siya ay pagmumultahin ng P50,000 at suspendihin ng tatlong taon ang rehistro nito.      Ang kawani naman ng LTO na nagbigay ng rehistro ay masususpendi sa trabaho ng tatlong buwan at wala siyang matatanggap na sahod o anumang benepisyo. Kakasuhan din siya at ang may-ari ng sasakyan ng falsification.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending