PINALITAN ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police at Philippine Marines ang lahat ng guwardiya sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa.
Pinaghihinalaang magkasabwat ang mga guwardiya at ilang mga drug lords na nakakulong sa “Munti.”
Sumama si PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa sa mga SAF at Marines sa takeover sa pagbantay sa pinakalamaking kulungan sa bansa.
Pinalabas muna ang mga convicted drug lords habang ginalugad ng mga SAF at Marines ang kanilang mga selda.
Nang lumabas ang convicted drug lord na si Herbert Colangco sa selda, sinalubong siya ni Bato.
Sinabihan si Colangco ng PNP chief, “Mula ngayon ay maging relihiyoso ka na. Magdasal ka araw-araw.”
Kung ako si Colangco ay kakabahan ako at magsisisi sa aking mga kasalanan sa tinurang yun ni Bato.
Ang ibang sinabihan ni Bato na magdasal ay wala na sa mundo.
Dapat din yata ay si-nabihan ni General Bato ang ilang pinalitang mga guwardiya sa NBP ng “maging relihiyoso at magdasal na kayo.”
Ang mga ito ay kumita ng malalaking halaga sa mga convicted drug lords na nagpapasok ng mga mararangyang kagamitan at maging shabu sa selda ng mga drug lords gaya ni Colangco.
Ilan sa kanila ay mga bago lang sa NBP, pero nakabili na sila ng mga kotse at nakapagtayo na ng magagarang bahay.
Saan nila kinuha ang perang pinambili ng kotse at pinantayo ng bahay, samantalang hindi sapat ang kanilang mga sahod para sa ganitong mga bagay?
Napakabobo o napakatanga ninyo kapag di ninyo alam kung saan nanggaling ang kayamanan ng mga bagong guwardiya.
“I am pleading for peace, including to the Abu Sayyaf—they have committed so many crimes, killing people,” ani Pangulong Digong nang bumisita siya sa Basilan.
Kung ang akala ng Abu Sayyaf ay nagmamakaawa ang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (PNP), nagkakamali sila.
Hindi porke mahinahon na nanawagan si Mano Digong ng kapayapaan ay mukha siyang api o puwedeng ipagtulak-tulakan.
Dapat malaman ng mga bandidong Muslim kung anong puwedeng gawin sa kanila ni Digong, na taga Mindanao rin na gaya nila.
Mayor na si Digong ng Davao City nang binomba ang San Pedro Church maraming taon na ang nakaraan. Maraming nagsisimba ang napatay o nasugatan.
Mga teroristang Muslim ang pinaghihinalaan sa pambobomba.
Ilang araw ang lumipas, ang mosque sa lungsod ay binomba rin at marami rin ang napatay at nasugatan.
Matapos bombahin ang Bangoy Airport sa lungsod ilang taon na ang nakalipas, na ikinamatay at ikinasugat ng ilang pasahero at sumasalubong, maraming residenteng Muslim sa lungsod na pinaghinalaang kasama sa pambobomba ay bigla na lang nawala na parang bula at hindi na nakita.
Kaya’t ang panawagan ni Digong ng kapayapaan ay hindi pagmamakaawa kundi pagkairita.
Ang taong lubhang nairita dahil sobra na ang kanyang dinanas na pang-aapi o pambabastos ay gumagawa ng marahas na bagay.
Sa mga kapatid nating Muslim, baka naman gusto ninyong kausapin inyong mga kadugo o katribu na itigil na nila ang kanilang terorismo o pananakit sa mga taong inosente.
Huwag na ninyong hamunin ang gobiyerno ni Digong na gumawa ng bagay na hindi magugustuhan ng bawa’t Pilipino.
Totoo, walang nananalo sa digmaan ng ubusan ng lahi, pero ang panig na may mas maraming miyembro ay nakakalamang sa panig na kakaunti ang miyembro.
Huwag na sanang nating paabutin pa ang ganoong sitwasyon.
Pare-pareho tayong magsisisi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.