Tawag Ng Tanghalan ng Showtime binalot ng intriga at kontrobersya
SI Jaya pala ang isa sa mga pasabog ng It’s Showtime nu’ng nakaraang Sabado.
Winelkam siya ng programa via her hit songs at sinamahan pa siya ng dalawang Tawag Ng Tanghalan hurados na sina Yeng Constantino at Erik Santos. Siya nga ang latest addition sa lumalaking bilang ng mga hurado sa oldest singing search sa bansa at agad nga siyang napasabak sa matitinding labanan kung saan kahit kami ay litong-lito sa kung sino ang papanalunin sa bago at dating kampeon that day.
Hindi umupo bilang hurado sina Erik at Yeng, at gaya nina Karla Estrada, Kyla at Nyoy Volante, may piling araw na lang para sa kanila bilang judges. Naging kontrobersyal ang pagwawakas ng panalo ng 8th time winner na si Jenny Gabriel dahil bukod sa hindi na ipinakita ang score nila ng nakatalo sa kanya ay pinagdudahan din ang nanalo na kumanta ng isang Yeng Constantino song (kontra sa Whitney Houston hit).
On her second attempt nga, agad siyang natalo ng isang “rumeresbak” na contestant from Mindanao, na noong Saturday ay matinding nakaharap ang isang taga-Bacolod (one of the best voices na narinig namin sa show).
Inakala rin ng marami na may kakaibang “pasabog” si Vice Ganda dahil pormal at seryoso pa ang pag-introduce sa kanya ng mga co-hosts, pero nag-moment lang pala ito gaya ng normal na niyang ginagawa sa kanyang mga concerts o mga gigs comedy bars. But it was still very funny and an act na nami-miss marahil ng marami kay Vice including his Showtime family.
Marami rin silang “nauto” sa teaser nila days before dahil late din naming nabalitaan na mas malaki pala ang “pasabog” sa katapat na Eat Bulaga dahil nag-first anniversary nga ang Kalyeserye at ang AlDub. Ha-hahahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.