BATA pa lang si Sarah Asher Tuazon Geronimo ay todo practice na siya sa pagbirit kasama ang kanyang amang si Daddy Delfin. Una siyang tumapak sa entablado para kumanta sa edad na 2-taong-gulang.
Naging extra siya sa pelikulang “Sarah, Ang Munting Prinsesa”. Isa rin siya sa mga batang kumanta para kay Pope John Paul II nang bumisita ito sa bansa noong 1995. Pero ang pagkapanalo niya sa talent search na Star For A Night hosted by Regine Velasquez noong 2003 ang talagang nagpaningning sa kanyang bituin with her version of Celine Dion’s “To Love You More”.
Bukod sa pagiging Pop Princess dahil sa kanyang soldout concerts at albums, naging Box-Office Queen din si Sarah dahil sa pelikula nila ni John Lloyd Cruz. Masaya rin ang lovelife ng singer-actress ngayon dahil sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

