SIMULA ngayon, Hunyo 30, 2016, may bago na tayong pangulo.
Ipapasa ang sceptre of leadership ni Benigno Simeon C. Aquino III kay Rodrigo R. Duterte.
Mula sa isang lider na papatay-patay, ang bansa ay magkakaroon ng isang lider na mabilis magdesisyon.
Mula sa isang lider na walang pagmamahal sa mahihirap dahil siya’y angkan ng mga landlords, ang bansa ay magkakaroon ng isang lider na kagaya ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pagturing sa mga masa.
Mula sa isang lider na pinahusay ang ekonomiya pero pinabayaan ang peace and order, ang bansa mula ngayon ay hahawakan ng isang lalaki na pagbubutihin muna ang peace and order at disiplinahin ang mamamayan upang maging maunlad ang bansa.
Kahit na hindi ninyo gusto si Digong dahil sa kanyang kakaibang pag-uugali, sana’y ipagdasal nating lahat na maging matagumpay ang kanyang pamamalakad sa bansa dahil, whether we like it or not, he’ll be with us for the next six years.
Sa kanyang mga kaibigan at kaalyado, gusto niyang tawagin siyang Rody.
Pero sa taumbayan sa Davao City at kanyang malalapit na kaibigan, siya ay si Digong.
Sa column na ito, tatawagin natin siyang President Digong o Mano Digong.
Walang honeymoon ang media at ang administrasyon ni Mano Digong di gaya ng mga nakaraang administras-yon.
Bago pa man siya ay makapanumpa, si Digong at ang media ay nagbabangayan na.
Ang taumbayan ay nasa ringside seat sa away ni Digong at media.
Pero maganda ito sa demokrasya dahil ang media ay kailangang maging tagapagbantay ng interest ng mamamayan.
Paano malalaman ng mamamayan ang ginagawang katiwalian sa gobyerno kung magkaibigan ang media at ang gobyerno?
It’s going to be very healthy for the nation.
Mula ngayon, bibilis na ang pagkuha ng mga clearance, permit, passport, lisensiya at customs documents sa gobyerno.
Ayaw ni Pangulong Digong na pinahihintay ang ordinaryong mamamayan sa pagkuha ng anumang papeles sa anumang sangay ng gobyerno.
Hindi kukonsintihin ni Mano Digong ang mga empleyado na aangilan ang mga ordinaryong mamamayan na kumukuha ng dokumento sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.