Richard hinding-hindi raw gagawing kabit si Jodi
SPEAKING of Jodi Sta. Maria, ngayon pa lang ay marami na ang excited na panoorin ang latest movie niya under Star Cinema, ang “Achy Breaky Hearts” kasama sina Richard Yap at Ian Veneracion.
In fairness, halos lahat yata ng makausap namin ay nagsasabing hindi nila palalampasin ang pelikula dahil sa trailer pa lang ay kilig na kilig na sila. Curious din sila kung kanino mapupunta si Jodi sa ending ng movie – kung kay Richard ba (Team Chinoy) o kay Ian (Team Tisoy).
Sa presscon ng “Achy Breaky Hearts” kamakalawa, kitang-kita ang kakaibang chemistry ng tatlo, talagang mararamdaman mo ang pagiging magkakaibigan nila sa tunay na buhay. Sabi nga ni Jodi, napakaswerte nila dahil nabigyan sila ng isang proyekto na makakapagbigay inspirasyon at magpapakilig sa madlang pipol.
Ayon pa sa aktres, hindi pa rin naman naging madali ang mga pakilig at mga hugot scenes nila sa pelikula dahil ibang-iba naman ang tema ng kanilang pelikula kesa sa Be Careful With My Heart nila ni Richard (bilang Ser Chief) at sa Pangako Sa ‘Yo nila ni Ian (bilang Eduardo).
Dagdag pa ng aktres, talagang nag-enjoy siya sa paggawa ng “Achy Breaky Hearts” hindi lang dahil maganda ang pagkakabuo ng kuwento kundi napakasarap katrabaho nina Ian at Richard. Feeling nga raw ni Jodi mas keri niya ang leading man na may asawa na, “Maybe because I feel safer, harmless na kasi yung feeling dahil alam kong may pamilya na sila.
Ganu’n din naman sina Ian at Richard kay Jodi, nirerespeto raw nila ang aktres kaya hanggang sa screen lang ang kanilang mga love affair. Sabi pa nga ni Richard hindi naman daw aabot sa punto na gagawin niyang kabit o lover si Jodi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.