Ate Gay na-hold sa immigration ng Japan; Regine, Michael, Vina winner | Bandera

Ate Gay na-hold sa immigration ng Japan; Regine, Michael, Vina winner

Jobert Sucaldito - June 23, 2016 - 12:15 AM

ate gay at michael pangilinan

WELCOME home from Japan! Ha-hahaha! Talagang ako na ang nag-welcome sa amin from our trip to Tokyo, Japan last Tuesday.

Kasama kong lumipad for Tokyo ang baby nating si Michael Pangilinan along with famous gay performers cum comedians na sina Ate Gay and Regina Otic (impersonator ni Ms. Regine Velasquez) para samahan sina Ms. Vina Morales, Christian Bautista and Ogie Alcasid para sa Philippine Festival sponsored by PLDT Global and SmartWorld. We took PAL flights papunta at pabalik.

Anyway, since first time namin nina Regina and Michael sa Japan, kakaibang excitement ang naramdaman namin though afraid talaga akong lumipad kaya bago ako sumakay ng plane, drink to death na muna ako ng beer and red wine para hindi ako ma-tense kapag umalug-alog na ang plane. Ha-hahaha! And thank God, safe naman ang flights namin – smooth and chill-chill lang.

Pagdating sa Haneda Airport sa Tokyo, kinabahan kami dahil na-hold si Ate Gay sa airport immigration considering na pang-fourth na niya ito roon. Ang visa kasi namin ay business – hindi tourist dahil magpe-perform nga sila for our Pinoy OFWs sa Hibiya Park sa Tokyo for two days. Pero sa awa naman ng Diyos ay pinayagan naman siya ng immigration na makalabas. May itinanong lang pala sa kaniya kung ano ang gagawin niya sa Japan kasi nga naka-specify that he is on a business trip.

We checked in sa Dai-Ichi Annex Hotel with the rest of the gang. Ang saya-saya ng 2-day event naming iyon, kasama sina Mama Chaye Cabal-Revilla, boss ng Smart and husband Cong. Strike Revilla and Mr. Gary Dujali ng PLDT. Sa first day ng show ay hindi nakaabot si Vina Morales dahil na-late ang pagsundo sa kaniya sa airport pero bawing-bawi naman siya sa second day.

Special request talaga siya ni Philippine ambassador to Japan Mr. Manolo Lopez who enjoyed every bit of Vina’s performance. Hanep si Vina sa stage, livewire – total performer talaga. Sarap niyang panoorin. Panalong-panalo ang performances ng lahat ng artists, halos dumugin si Michael nang bumaba siya sa stage sa first day kaya pinakiusapan siya ng organizers na huwag nang bumaba sa stage sa second day para hindi siya masaktan.

q q q

Naikot namin ang malalapit na areas (gimikan) sa Tokyo, Roppongi is a fun area dahil napakaraming bars. We also went to Shibuya, Shinjuku, Harajuku, etcetera. On our last night, dinalaw namin nina Ate Gay and Regina ang ibang kasamahan nilang gay comedians sa Bayani’s Kitchen sa Yokohama. Ang saya sa bar na ito, the only Pinoy comedy bar na pinagtatanghalan ng mga komedyante roon. Kahit paumaga na may mga tao pa rin.

“Sarap sa Japan. Sarap ng pagkain at parang dream come true talaga. Medyo mahal lang ang shopping kung hindi ka matiyagang mag-ikot. Mas mura kasi sa Taiwan nu’ng pumunta ako a week before. But super-enjoy talaga ako dahil masasaya ang mga nakasama ko,” pagmamalaki ni Michael.

Sarap kasama nina Ate Gay at Regina, nakakatuwa kung magbangayan echos ang dalawa. Palaging kinukulit ni Ate Gay si Regina kaya sobrang saya namin. Si Regina is super-sexy sa mga outfit niya, bakat pa ang nipples sa suot niyang fit dress kaya lahat ng madaanan namin ay napapalingon sa kaniyang dibdib. She carries her sexiness very well. Nakakainggit. Siguro naiinggit si Ate Gay sa kaseksihan ni Regina kaya palagi niya itong niloloko, di kaya? Ha-hahaha!

Anyway, while in Japan, I got the chance to meet up with my sister Anavic Brizuela Okuba at mga pamangkin kong sina Erika and Hikaru. Miss na miss ko ang mga babies kong ito, mga dalaga na talaga. Kasama namin silang mag-ikot nila Michael, Ate Gay and Regina last Monday bago kami naghiwa-hiwalay that night. Malayo pa kasi sila, sa Nigata pa which is two hours via bullet train. We had so much quality time together, naipasyal ko ang mga anak ko kahit paano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napaka-fruitful ng Japan trip naming ito. Napakasaya ng mga Pinoy OFWs sa performances ng mga artists natin. Kaya this early pa lang ay naka-book na kami sa Gabay Guro events natin, one in Metro Manila next month, one in Singapore in October and before the year ends ay pupunta kami ng London. Same group pa rin yata. Basta excited na kami sa mga susunod na Gabay Guro events na ito ng PLDT and Smart.

Pagdating na pagdating namin last Tuesday evening, diretso agad ako sa DZMM para samahan ang super-missed kong partner na si Papa Ahwel Paz to do our “Mismo” program. Miss ko rin sobra ang mga avid listeners and viewers namin sa Teleradyo kaya kahit pagod ay parang wala lang.  Hindi ko naramdaman. Ang mahalaga ay na-achieve namin ang mga nais namin sa Japan. Thank God!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending