Ex-VP bet problemado sa kaibigang 'rapist' | Bandera

Ex-VP bet problemado sa kaibigang ‘rapist’

Den Macaranas - June 15, 2016 - 12:10 AM

OKAY ang maraming kaibigan lalo na kung malalapitan mo sila sa oras ng pangangailangan.

Pero paano naman kung ang inaakala mong kaibigan ay siya palang maglalagay sa iyo sa isang alanganing sitwasyon?

Ganyan ang kalagayan ngayon ng isang pulitiko na tumakbo bilang Vice President nitong nakalipas na halalan.

Wala siyang kaalam-alam na ‘yung isa pala sa kanyang mga solid na tagasuporta at kaibigan ay may itinatagong kababalaghan.

Ayon sa ating Cricket, noong 2014 nang ireklamo sa salang rape at pangmo-molestiya si HK na isa sa mga kaibigan nang hindi na natin papangalanang kumandidato bilang pangalawang pangulo.

In fairness, wala naman talagang alam ‘yung pulitiko sa itinatagong krimen ng kanyang kaibigan.

Sinabi ng ating Cricket, na isang volunteer/student ang biktima ng kamanyakan ni HK pero dahil sa maipluwensiya ito kaya hanggang ngayon ay walang nangyayari sa reklamo.

Ayon pa sa ating source, mahusay mamili ng sasandalang mga tao si HK kaya hindi naipakukulong hanggang sa ngayon.

Sayang at nanggaling pa naman sa isang marangal na angkan si HK at tiyak na masisira ang kanyang pagkatao sa sandaling umusad na ang kaso.

Bukod sa may pinag-aralan ay wala si hitsura ni HK ang gagawa ng krimen lalo’t rape ang isinampang kaso laban sa kanya.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo si HK ng Theology at English sa isang mamahaling paaralan sa bansa.

Huwag naman sanang sumpungin ng kalokohan at baka meron na naman siyang matipuhan at tiyak rin na masisira nito ang kinabukasan ng kanyang biktima.

Sa pagpasok naman ng bagong administrasyon ay umaasa ang mga magulang ng biktima ng kamunduhan ni HK na uusad na ang kaso para makuha na ang mailap na hustisya.

Si HK na sinasabing sinampahan ng kasong rape pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari ay kilala rin sa hanay ng ilang advocacy group.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patunay ito na wala sa panlabas na itsura ang tunay kaanyuan ng isang pagkatao pagkatao.
Para sa komento o reaksyon, mag-text sa 09178052374 o kaya ay mag-email sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending