Mataba, maarteng male singer sumpa sa mga show promoter
NAGKAROON ng isang hindi kagandahang karanasan ang isang baguhang show promoter. Binyag ng apoy sa kanya ‘yun, nakakadalawang shows pa lang siya sa probinsiya, pero malapit na siyang sumuko.
Nu’ng kunin niya ang isang male singer ay may nagsabi na sa kanya na ihanda ang kanyang sarili dahil may kaartehan ito. Maraming hinihingi, maraming reklamo, maangas sa madaling salita. Pero nakasagot na ang show promoter sa mga miyembro ng komite ng fiesta nang magmiting sila. Dadalhin niya sa naturang lugar ang male singer. At nagkaayos naman sila ng manager nito.
Nu’ng malapit na ang show ay naramdaman na ng show promoter ang kaangasan ng talent-manager team. Marami na silang inuurirat, kung anu-ano na rin ang hinihingi, maraming kesyo-kesyo ang manager.
Malapit lang ang probinsiyang pupuntahan nila, pero hindi puwedeng magsakay ng iba ang rerentahang van ng show promoter, kailangang ang male singer at manager lang ang pasahero ng malaking sasakyan.
Kuwento ng source, “Ayaw naman nilang gumamit ng kotse, maliit daw ‘yun para sa kanila, dahil sangkatutak ang dala-dalang kagamitan ni male singer. ‘Yun na! Naisip ng promoter, tama nga ang payo sa kanya ng mga dati nang nakakasama ng male singer. Maarte nga siya at mas maarte ang kanyang manager,” kuwento ng aming impormante.
Pagdating sa lugar ay ayaw pang bumaba ng male singer, nagbo-vocalize pa raw kasi ito, kaya tuluy-tuloy ang andar ng van na isang malaking pag-aaksaya ng gasolina. “Naloka ang show promoter, nagpahatid na lang kasi ng lafang sa van ang singer at ang manager niya, kaya pagkatapos ng show, wala nang gas ang van, karga na naman siya!
“Never again, sabi ng show promoter, hinding-hindi na niya kukunin ang masyubang male singer na ubod nang kaartehan. Bradly Guevarra, kailangan pa ba niyang bumirit sa harapan mo para lang malaman mo kung sino siya?” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.