Kailan magkakaroon ng regular na trabaho? | Bandera

Kailan magkakaroon ng regular na trabaho?

Joseph Greenfield - June 14, 2016 - 12:10 AM

Sulat mula kay Mimie  ng Poblacion, Kapatagan, Lanao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Tapos po ako ng kursong HRM at sa kasalukuyan ay naghahanap ako ng trabaho. Pero matagal na po akong naghahanap ng trabaho hanggang ngayon mag-iisang taon na ay hindi pa rin ako natatanggap sa mga company na inaaplayan ko. Ask ko lang kung ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon na ako ng isang maganda at regular na trabaho na may malaking suweldo? Nahihiya na kasi ako sa mga magulang ko na matapos akong pag-aralin ay wala man lang akong maiganti sa kanila.
Kailan po ba ako mag-kakaroon ng trabaho at kung magkakaroon ako susu-wertehin kaya ako sa trabahong mapapasukan ko? November 16, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Mimie ng Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wala sa ating bansa ang iyong suwerte, kundi nasa abroad. Ito ang nais sabihin ng malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 2-2 arrow 21.) sa iyong palad. Tanda na may isang panahon sa iyong buhay na makapag-aabroad ka at sa nasabing pangingibang bansa, doon ka, aasenso, uunlad at sasaganan.
Cartomancy:
Jack of Diamonds, Six of Diamonds at Two of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga barang ang nagsasabing kung sa buwang ito ng Hunyo ay susubukan mo ng mag-aaplay sa abroad, tiyak ang magaganap, sa tulong ng isang lalaking medyo maputi ang kulay ng balat, na inilarawan ng Jack of Diamonds, walang duda, tulad ng nasabi na sa taon ding ito ng 2016 makapag-aabroad ka.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending