Duterte huling pag-asa ng Pinay na hawak ng Abu Sayyaf | Bandera

Duterte huling pag-asa ng Pinay na hawak ng Abu Sayyaf

- June 13, 2016 - 01:28 PM

Samal-kidnap-victims-corrected-Robert-Hall-660x371-e1461645422327

SINABI ng pamilya ng Pinay na bihag ng Abu Sayyaf na tanging si President-elect Rodrigo Duterte na lamang ang kanilang natitirang pag-asa habang papalapit naman ang ultimatum na ibinigay ng bandidong grupo.
Ayon kay Flordelisa Flor, nanay ng 38-anyos na si Tess Flor na nawawalan na sila ng pag-asa habang papalapit na alas-3 ng hapon na siyang ibinigay na deadline ng teroristang grupo.

“We are now totally leaving our daughter’s life in the hands of Duterte. I hope he can save her,” dagdag ni Flor.
Idinagdag ni Flor na batay sa pahayag ng mga otoridad na bumisita sa kanilang bahay sa Bukidnon, tumutulong na rin si Duterte sa ginagawang aksyon ng kasalukuyang administrasyon para mailigtas ang mga bihag ng Abu Sayyaf.
“There is still hope for my daughter and the other victims. I am pleading Duterte to please do everything to save them,” dagdag ni Flor.
Isa ang anak ni Flor sa apat na dinukot sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte noong Setyembre 21 noong isang taon.
Bukod kay Tess, dinukot din ang kanyang Canadian boyfriend na si Robert Hall, isa pang Canadian na si John Ridsdel at Norwegian resort manager na si Kjartan Sekkinstad.
Nauna nang pinugutan ng Abu Sayyaf si Ridsdel noong Abril matapos magtapos ang ultimatum na ibinigay.
Nagpalabas pa ang Abu Sayyaf ng video kaugnay ng pagpugot kay Ridsdel.
Humihingi ang Abu Sayyaf ng P600 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng tatlong natitirang bihag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending