Drug lord sa Munti nag-alok ng P10M vs Duterte, Dela Rosa | Bandera

Drug lord sa Munti nag-alok ng P10M vs Duterte, Dela Rosa

- June 07, 2016 - 06:00 PM

rodrigo duterte
“Bring it on. Let’s rock and roll.” Ito ang mensahe ni incoming National Police chief Chief Supt. Ronald dela Rosa sa mga nakakulong na drug lord na diumano’y nag-alok ng P10 milyon para itumba siya at si President-elect Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Dela Rosa na nakatanggap siya ng impormasyon na nitong Linggo ay nag-“meeting” ang mga drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prison ng Muntinlupa City at nagkasundo sa pabuya.

“‘Yung P5 million (bounty) ni mayor, nung nag-meeting sila, ginawa nilang times two at ang target ay kami ni mayor,” ani Dela Rosa.

Tinutukoy ng police official ang naunang alok ni Duterte ng P5 milyon para sa bawat drug lord na mahuhuli o mapapatay.

Ayon kay Dela Rosa, posible pa para sa mga convicted drug lord na magsagawa ng operasyon kahit nasa loob ng NBP.

“Kaya nga nilang mag-negosyo ng droga kahit nasa loob, ito pa kaya?” aniya.

Pero sinabi ng incoming PNP chief na di siya natatakot dito at sasalubungin pa ang banta.

“Kayo ang masama at kami pang nasa panig ng batas ang matatakot? Mag-imbak na kayo ng bala at baril,” ani Dela Rosa, patukoy sa mga umano’y nagpatong ng pera sa ulo niya at ni Duterte.

Nang tanungin kung anong plano niya para tugunan ang banta, sinabi ni Dela Rosa na: “Basta magugulat ka na lang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending