Naghahanap ng boyfriend (2) | Bandera

Naghahanap ng boyfriend (2)

Joseph Greenfield - June 07, 2016 - 12:10 AM

Sulat mula kay Karen ng Gladiola St., Buhangin, Davao City
Problema:
1. Sa edad kong 24 sa darating na June 18, until now hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kalian kaya ako magkaka-boyfriend?
2. Sa totoo lang naiinip na ako lalo na’t iisiping may mga boyfriend na ang mga kabarkada ko at iyong iba kong mga friends ay may asawa na. Ano po ba sa palagay nyo magkaka-boyfriend na kaya ako sa taong ito o sa susunod na taon at sino kaya ang first o unang magiging boyfriend ko. June 18, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Davao City
Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra ang magiging boyfriend mo pagpasok na pagpasok ng buwan ng Hunyo hanggang Hulyo.

Numerology:
Ang birth date mong 18 ay nagsasabing ang nasabing lalaki na magiging first and last boyfriend mo ay isinilang sa petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15 o kaya’y 24.

Graphology:
Sa kasalukuyan ayon sa pirma o signature na may “hugis puso” nasasagap na ng “unconscious self” mo na hindi magtatagal, araw o linggo na lang ang binibilang, isang lalaking halos kasing edad mo rin ang darating, liligawan ka nya at madali mo naman siyang sasagutin.

Luscher Color Test:
Upang maging maligaya ang inyong relasyon, mas mainam na mula sa araw na ito, lagi kang magsuot ng mapalad mong kulay na blue, pink at red. Sa nasabing kulay, lalo kang susuwertehin hindi lang sa love life, kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Huling payo at paalala:
Karen ayon sa iyong kapalaran tiyak na ang magaganap, ang kinaiinipan mong lalaki ay darating na sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Hunyo habang ang iyong edad ay tumutuntong sa gulang na 24 years old. Sa panahong nabanggit, habang umuulan at medyo may hangin sa kapaligiran, isang lalaking may initial na R.A. ang darating, liligawan ka nya at sasagutin mo naman siya, hanggang ang nasabing suyuan ay tuluyan na ring mauwi sa isang malaigaya at pang habang buhay na relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending