Davao nagtaas ng terror alert bago ang Thanksgiving para kay Duterte | Bandera

Davao nagtaas ng terror alert bago ang Thanksgiving para kay Duterte

John Roson - June 01, 2016 - 07:07 PM

duterte-davao
Nagtaas ng “terror alert” ang pulisya sa Davao City ilang araw bago ang thanksgiving party na isasagawa para kay President-elect Rodrigo Duterte.

Minamanmanan ng mga awtoridad ang posibleng paggalaw ng mga terorista, partikular na ang Khilafah Islamiyah Movement (KIM), sabi ni Chief Inspector Milgrace Driz, tagapagsalita ng city police.

“We recieved information that they will be conducting other atrocities in Mindanao, no specific area, but we in Davao are being proactive,” sabi ni Driz nang kapanayamin sa telepono kahapon.

Ang grupo pinaniniwalaang nasa likod ng mga pambobomba sa Cotabato at maaring may kinalaman sa pagdukot sa Samal Island noong nakaraang Setyembre, aniya.

Ibinigay ni Driz ang pahayag isang araw matapos ipaskil ng Davao City Police Office sa Facebook page nito ang dalawang poster na may larawan ng 22 terror suspects.

Hinihikayat ng city police ang publiko na i-“share” ang mga poster.

Kabilang sa mga nasa poster ang larawan nina Muammar Askali, isang kilalang Abu Sayyaf sub-commander sa Sulu; Nurhassan Jamiri, kilalang Abu Sayyaf sub-commander sa Basilan; at Johan/Amin Baco na, ayon sa mga awtoridad, ay isang Malaysian operative ng Jemaah Islamiyah regional terror network.

“We are making this public kasi baka mamaya nasa tabi nyo na pala sila, or baka naman nandito na sila sa Davao at nakikituloy lang sa mga kamag-anak,” ani Driz.

Sa kabila nito, sinabi ni Driz na ligtas pa ring dumalo sa thanksgiving party para kay Duterte, na isasagawa sa Crocodile Park sa Sabado.

Magpapatupad aniya ang pulisya, militar, at iba pang law enforcement agency ng striktong “three-layer security” para sa aktibidad.

Dalawang libong pulis at “force multipliers” ang ikakalat para bantayan ang aktibidad, bukod pa sa mga sundalo at miyembro ng ibang law enforcement agencies, aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending