Palasyo: Na kay Duterte na ang desisyon kung saan planong tumira
SINABI ng Palasyo na desisyon na ni President-elect Rodrigo Duterte kung saan niya gustong tumira sakaling magsimula na ang kanyang termino.
“Let the incoming President decide on the most appropriate lodging arrangement that works best for him,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma.
Ito’y matapos sabihin ni Duterte na araw-araw siyang uuwi sa Davao kapag siya na ang nakaupong presidente hanggang sa masanay siya ng buhay sa Malacanang.
Nagbiro pa si Duterte hinggil sa limang multo na pagala-gala sa loob ng Malacanang.
Plano ni Duterte na magsimulang magtrabaho ganap na ala-1 ng hapon at uuwi sa Davao City kung saan kukunin niya ang huling flight na alas-9 ng gabi at babalik kinabukasan ng alas-8 ng umaga papuntang Palasyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.