\
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.9 ang Ilocos Sur kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:57 ng umaga.
Ang sentro nito ay walong kilometro sa kanluran ng bayan ng Santa Maria. Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lalim na 50 kilometro.
Nagresulta ito sa Intensity IV paggalaw sa bayan ng Santa, Sta. Maria, Narvacan, Burgos, at Vigan City.
Intensity III naman sa Sinait, Ilocos Sur; Sarrat, Pasuquin, at Laoag City sa Ilocos Norte; Penablanca sa Cagayan. Intensity II naman sa Claveria, Cagayan at Intensity I sa Dagupan City.
Walang inaasahang pinsala at aftershock ang Phivolcs sa naturang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.