Pari vs Smartmatic, PPCRV | Bandera

Pari vs Smartmatic, PPCRV

Bella Cariaso - May 22, 2016 - 03:00 AM

KAMAKAILAN ay pinangunahan ng aktibistang running priest na si Father Robert Reyes ang pagsasampa ng kasong electoral sabotage laban sa Smartmatic, ilang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) matapos ang ginawang pakikialam sa script ng transparency server sa nangyaring bilangan ng mga boto noong gabi ng Mayo 9.

Kabilang sa mga kinasuhan ng grupo ni Fr. Reyes na tinawag na Mata sa Balota Movement ay ang kontrobersiyal na project manager ng Smartmatic na si Marlon Garcia at PPCRV chair Henrietta De Villa dahil umano sa paglabag sa election automation law or Republic Act 9369.

Inakusahan ng Mata sa Balota Movement ang mga kinasuhang opisyal ng Smartmatic, Comelec at PPCRV ng “tampering, increasing or decreasing the votes” na nagresulta ng kontrobersiya sa labanan ng pagkabise-presidente sa pagitan ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Sen. Bongbong Marcos.
Mismong si Fr. Reyes ang nagsabi na ang pagsasampa nila ng kaso ay hindi nangangahulugang pro-Bongbong siya.

Iginiit ni Reyes na ang hakbang ng kanyang grupo ay para mapangalagaan ang tinatawag na demokratikong ehersisyo ng bawat mamamayan lalo na ang pagsasagawa ng malayang eleksiyon.

Idinagdag ni Reyes na sa nakaraang tatlong eleksiyon sa bansa simula ng hawakan ng Smartmartic ang automated elections, nagkaroon na ng alegasyon ng mga pandaraya.

Isinulong din niya niya ang paglalabas ng hold departure order laban kay Garcia at i-ban habambuhay ang Smartmatic sa bidding para sa automated elections.

Sa kanilang pagsasampa, tinawag pa ng Mata sa Balota Movement ang nangyaring pakikialam ni Garcia sa script na “Hello Garcia” kung saan ikinukumpara ang nangyari sa kontrobersiyal na “Hello Garci” noong 2004 presidential elections.

Kilala si Fr. Reyes sa pagiging independent kayat hindi iisipin na siya ay nadidiktahan.

Tama lamang ang posisyon ni Fr. Reyes na walang karapatan na pakialaman ng sinuman, lalo pa ng isang dayuhan ang ating sagradong pagsasagawa ng eleksiyon.

Nakakapagtaka naman ay kung bakit napakadaling tanggapin ni Comelec Chairman Andres Bautista ang paliwanag ng mga taga Smartmatic na isang cosmetic change ang ginawang pakikialam ng tauhan nito sa hash code.

Kaya nga nananawagan na ngayon si Reyes sa Comelec at Smartmatic na kailangang payagan ang mga accredited IT observers para tingnan at suriin ang ginawang pakikialam ni Garcia para nga naman maalis ang agam-agam at espekulasyon sa isyu ng dayaan sa pagkabise-presidente.

Dahil sa nangyari, anong pagmumukha ang ihaharap ni Robredo kung siya man ang maiproklamang nanalo sa eleksiyon pero batbat naman ng pagdududa na merong dayaang nangyari na nagresulta sa kanyang pagkapanalo?

Hindi kaila sa lahat na malalim ang galit ni Pangulong Aquino kay Bongbong kaya hindi natin dapat isantabi ang mga akusasyong nagkaroon ng dayaan sa naganap na eleksiyon nitong Mayo 9 lalo na sa labanan sa pagkapangalawang pangulo.

Hindi maaaring sabihin na nanalo na si Robredo sa pagka-bise presidente dahil alam naman ng lahat na hindi ang PPCRV ang inatasan ng Saligang Batas na magsagawa ng canvassing para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.

Magsisimula pa lamang ang opisyal na bilangan ng boto sa gagawing canvassing ng Kongreso sa Mayo 23 na gagawin sa House of Representatives.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero higit sa lahat, kung talagang walang dayaan na naganap nitong nakaraang eleksiyon, dapat ipabusisi ng Comelec at Smartmatic ang kanilang ginawang proseso ng botohan lalo na ang bilangan nitong nakaraang Mayo 9.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending