Nangangarap yumaman (2) | Bandera

Nangangarap yumaman (2)

Joseph Greenfield |May 22,2016
facebook
share this

Nangangarap yumaman (2)

Joseph Greenfield - May 22, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Maricor ng Molugan, El Salvador, Misamis Oriental
Problema:
1. Isinilang po ako noong October 23, 1986 at February 14, 1982 naman ang mister ko. Naisipan ko ng sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa po ba kaming yumaman ng mister ko? Sa ngayon po ay may negosyo kaming grocery sa bayan. Nais ko rin pong malaman kung mapapalaki ba namin ito at ito na kaya ang maging daan upag kami ay yumaman?
2. Sabi nang mister ko basta daw magsikap lang kami at magtipid yayaman din daw kami. Pero naiinip na ako kaya balak ko magnegosyo din ng pautangan, yong katabi kasi naming puwesto ay nag-pautang na may malaki ang tubo, sa ngayon ay may mga sasakyan na sila at magarang bahay. Hindi po ba masamang magpa-five six para mas mabilis kaming yumaman?
Umaasa,
Maricor ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) at Aquarius naman si mister ay nagsasabing suwetong-suweto kayong magka-partner sa negosyo, kung saan, basta’t patuloy kayong nagtulungan at nagmamahalan, sa taon ding ito ng 2016 pagpasok na pagpasok ng buwan ng Oktubre mabilis na lalago at uunlad ang inyong negosyo.
Numerology:
Ang birth date mong 23 at 14 naman si mister ay nagsasabing sa pamamagitan ng “combine-force” ninyong dalawa, ibig sabihin ay seryoso kayong magtutulungan na mag-asawa upang mapalago ang inyong grocery at sa pamamagitan ng laging pagamit ng mga numerong may “five” tulad 5, 55, 555, 105, 255, at iba pang kauri nito, lalo kayong susuwertehin sa aspetong pagkabuhayan at lalo pang makakamit ang maraming-maraming pagyaman.
Luscher Color Test:
Upang matiyak ang pagyaman at hindi na kayo maubusan ng pera kailan paman, sa inyong negosyo gumamit lagi ng matitingkad na kulay tulad ng pula, dilaw, pink at asul sa inyong tinadahan.
Huling payo at paalala:
Tama ang iyong pangarap Maricor, ang magpayaman, basta’t ituloy nyo lang ang negosyo ninyong grocery at pilitin nyong makapag-rasyon ng mga paninda sa ibat-ibang lugar, sa ganyang paraan, sa taong 2027 sa edad mong 41 at 45 naman si mister, magugulat ka pa, kusang lalago ang inyong tindahan, magkakaroon ng maraming branches, hanggang sa hindi na mapipigil pa ang tuloy-tuloy n’yo ng pagyaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending