Ana Capri atat makipaghalikan kay Nora: Aarte ka pa ba sa Superstar!? | Bandera

Ana Capri atat makipaghalikan kay Nora: Aarte ka pa ba sa Superstar!?

Alex Brosas |May 22,2016
facebook
share this

Ana Capri atat makipaghalikan kay Nora: Aarte ka pa ba sa Superstar!?

Alex Brosas - May 22, 2016 - 02:00 AM

ana capri at nora aunor

LESBIAN lover ni Nora Aunor si Ana Capri sa pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako.”

Tila asang-asa si Anna na meron silang kissing scene with Ate Guy pero wala pala, “Nakakatuwa kasi girlfriend niya ako sa movie. Ito ‘yung first time kong gaganap na lesbian tapos si Ate Guy pa ang makakaeksena mo,” say sa amin ni Ana.

Actually, first time ni Anna na gumanap ng lesbian sa movie at si Nora pa ang kanyang kapareha. Pero sa TV ay nauna na siyang gumanap na tibo na lover ni Assunta de Rossi sa Ipaglaban Mo. Tila may panghihinayang pa si Ana na wala silang kissing scene ni Ate Guy.

“Wala nga, eh. Kung gagawa ako ng lesbian role at kung meron akong hahalikan na babae, siyempre, Oh, my God, pang portfolio ko ‘yon. I wouldn’t mind kung meron siyang ganoon na ni-require, kung kailangan siya sa istorya,” say niya.

Willing na willing siyang makipaghalikan kay Ate Guy, “Aarte pa ba naman ako. Ate Guy ‘yun, ‘no!”
Hindi lang pala artista itong si Ana, painter din pala siya. Nakasama siya recently sa exhibit conducted by the United Women Artists Association of the Philippines (UWAAP) sa Podium (May 19-22). Tatlo ang entries niya na tumugma sa “Mga Tradisyong Filipino” theme.

Mahilig pala siyang mag-drawing noong bata pa hanggang sa matuto siyang mag-sketch. Later, sa tulong ng painter-friends niya ay natuto rin siyang mag-paint.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending