Edgar Allan, Nora kakaibang uri ng mag-ina sa gay movie | Bandera

Edgar Allan, Nora kakaibang uri ng mag-ina sa gay movie

Ervin Santiago |May 22,2016
facebook
share this

Edgar Allan, Nora kakaibang uri ng mag-ina sa gay movie

Ervin Santiago - May 22, 2016 - 02:00 AM

edgar allan at nora aunor

MULING magsasama sa isang proyekto sina Edgar Allan Guzman at Superstar Nora Aunor, gaganap silang mag-ina sa movie version ng Himig Handog P-Pop Love Song entry na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na pagbibidahan din ng singer nitong si Michael Pangilinan, directed by Joven Tan na siya ring nag-compose ng nasabing kanta.

Nagkasama na sina Ate Guy at EA sa ilang serye ng TV5 noon. Sey nga ng aktor, “Ako siyempre, excited ako, lalo na nung nalaman ko na nanay ko pa siya ulit. Kumbaga, pang-ilang beses ko na siyang naging nanay. Excited ako, na-excite akong makatrabaho ko siya ulit.

“For the longest time, siguro one year, na hindi ko siya nakatrabaho, ngayon lang ulit dito sa pelikula. Na-excite ako nang nalaman kong siya yung magiging nanay ko. At yung role pa namin, hindi yung usual na mag-ina,” aniya pa.

Gagampanan ni EA ang isang binata na mai-in love sa bestfriend niya to be played by Michael. Kasama rin dito sina Joross Gamboa, Matt Evans, Ana Capri, Katrina Legaspi, Nikko Seagal at Miggy Campbell. Showing na ito sa June 8 naand released through Viva Films. – EAS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending